Sunshine Dizon mapapasabak uli sa iyakan
MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Jan. 12), alamin ang kuwento ng buhay ni Lucy Aroma, ang babaeng nagpakamatay sa LRT (Light Rail Transit) 1 EDSA Station noong nakaraang taon. Gaganap bilang Lucy Aroma si Sunshine Dizon. Kasama rin sina LJ Reyes, Ervic Vijandre, Jace Flores, Lucho Ayala, Jay Gonzaga, Racquell Villavicencio, at Archie Adamos.
Panganay sa anim na magkakapatid si Lucy. ReÂlihiÂyosa, masipag, masunurin, matalino, responsible, at lumaki ito sa konserbatibong pamilya. Ngunit noong isang taon, tila nawala ang kanyang paniniwala at pagkatao. Noong Agosto 30, 2012, napagpasyahan niyang wakasan ang kanyang buhay sa pagtalon sa riles ng tren sa LRT EDSA Station, sampung minuto bago mag-ala-sais ng umaga.
Simple lang ang kanilang pamumuhay. Simula noong mga bata pa ang magkakapatid, si Lucy ang madalas pagbilinan ng kanilang magulang upang bantayan ang mga kapatid pag abala ang mga ito sa pagtratrabaho.
Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ng pag-aaral si Lucy hanggang high school. Hindi na siya inudyok pa na mag-kolehiyo ng kanyang magulang dahil kapos sila sa pera. Labag man sa loob niya kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pangarap maging abogado para masuportahan naman niya ang mga nakakabata niyang kapatid sa pag-aaral. Sinunod ni Lucy ang kagustuhan ng magulang at nagkaroon siya ng trabaho para makatulong sa pamilya.
Ngunit ilang mga pagsubok at problema ang naging simula ng pagbabago ng kilos at ugali ni Lucy. Sa abot ng makakaya ng magkakapatid ay siÂnuÂportahan at pinagtulungan nila ang pag-aalaga sa kanya. Hanggang isang umaga ay nagpatiwakal na ito; wala sa isip ng magkakapatid na gagawin ito ng kanilang ate at sa TV na lamang nila nakita ang sinapit nito.
Mula sa direksiyon ni Andoy Ranay at sa natatanging pagganap ni Sunshine, alamin ang tunay na kuwento ng buhay ni Lucy Aroma ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA 7.
- Latest