Kris kinatatakutan ng mga kasamahan sa taping
Sa Jan. 21 ay mapapanood na sa Primetime Bida ng Kapamilya Network ang Kailangan Ko’y Ikaw na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Robin Padilla, at Anne Curtis. Ayon kay Robin, natatakot siyang katrabaho si Kris sa tuwing nasa set sila. “Nakakatakot katrabaho si Kris. Nasa two hundred na porsiyento ang pagiging perfectionist niya. Palagi kaming naka-attention. Kapag nagsalita na si Ms. Kris, kailangan ready kami. Totoo ’yun. Kasi lahat naman ng sinasabi ni Kris pinag-iisipan niyang mabuti. Hindi naman siya hihirit ng isang bagay na wala siyang katuwiran,†papuri ni Robin.
Nag-enjoy ang aktor sa kissing scenes nila ng Queen of All Media. “’Yung aming love scene masyado kong na-enjoy. Wala naman siyang hininging bawal ’to, bawal ’yun. Isang beses lang ’yan nag-request, huwag ko raw siyang ibagsak kapag buhat ko siya. May eksenang inatake siya, kailangan ko siyang buhatin,†kuwento ni Binoe.
Samantala, hanga rin ang aktor sa kakaibang ganda ni Anne pero wala raw dapat pagselosan ang asawang si Mariel Rodriguez dahil trabaho lamang talaga ang kanyang ginagawa.
Angeline tinayuan ng balahibo sa halik ni Sam
Masayang-masaya si Angeline Quinto sa pagpasok ng 2013 dahil sa kanyang bagong proyekto. Kasamang magbibida ng singer sina Sam Milby at Paulo Avelino sa teleseryeng Kahit Konting Pagtingin na malapit na ring mapanood.
Hindi inakala ni Angeline na mabibigyan siya ng pagkakataong makagawa ng isang soap opera.
“Siyempre hindi naman agad-agad ako na pumayag. Siyempre inisip ko rin kung ano ’yung magiging epekto sa pagkanta ko na akala ko talaga hindi ko kakayanin kasi mahirap talaga na magpuyat kapag may mga show out of town, mga ganyan. Pero ayun, awa ng Diyos naman, kahit paano nakakaraos naman,†nakangiting pahayag ng singer-actress.
Matatandaang nagkatambal na ang dalaga at si Coco Martin sa pelikulang Born to Love You noong isang taon pero wala silang naging kissing scenes. Ngayon ay napababalitang magkakaroon ng kissing scenes sina Sam at Angeline.
“Hindi ko pa alam pero sa music video namin meron kaming kissing scene ni Sam. Hindi naman super torrid pero as in smack lang pero matagal, as in five seconds din ’yun,†natatawang kuwento ng singer.
“Akala ko kasi hindi tototohanin ni Sam nung magkatinginan kami, akala ko hindi mangyayari. Eh nagulat na lang ako na biglang lumapit, nagkadikit. Wala akong nagawa pero tumayo ’yung balahibo ko talaga. Actually, si Sam talaga ’yung first kiss ko kasi noong una akong nagkaroon ng music video na Christmas song last year, siya ’yung ka-partner ko sa video, eh may kissing scenes kami dun.†Reports from James C. Cantos
- Latest