^

PSN Showbiz

Direk Lino pahinga ang puso pagkatapos kina KC, Bianca, Carmen, at Liz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging barangay captain, kakandidatong congressman si Direk Lino Cayetano na isa sa pinaka-in demand na director ng ABS-CBN (na siyang may hawak ngayon ng programang Aryana).

Kahapon ay pormal niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang kandidatura kaya pansamantala muna siyang magpapahinga sa pagdidirek – leave of absence  ang tawag niya – at magko-concentrate sa ‘pagpapakilala’ sa mga taga-Taguig.

Pero bukod sa pagiging magaling at batang director at siyempre, magandang lalaki, kilalang bigatin at sikat ang mga nakarelasyon niya – KC Concepcion, Bianca Gonzales, Carmen Soo and Liz Uy.

You read it right. Silang apat lang naman ang nakarelasyon ng director na nag-umpisa sa GMA 7 – Starstruck – bago lumipat ng ABS-CBN.

Sina KC and Bianca, nagpaabot na raw ng tulong at ang dalawa pa ay nag-goodluck sa kanya sa pamamagitan ng text message.

Pero ngayon ay loveless si Direk. Almost isang taon at kalahati na ayon sa director na napatunayan ang galing sa mga episodes na ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya.

At lumutang ngayon ang pangalan ni Kris Aquino dahil lahat pala ng pelikula nito sa festival ay literal na suportado niya dahil dinadala niya bilang barangay captain ang mga kababayan sa sinehan para panoorin ito. Nagsimula ito sa Dalaw, Segunda Mano at sa ipinalalabas pang Siste­rakas.

“Hindi ko sinasabi sa kanya pero nalaman niya,” sagot ni Direk Lino nang uriratin siya tungkol sa posibilidad kung puwedeng magkaroon sila ng something ng actress-TV host.

Anyway, parang nawala na ang pagiging shy type ni Direk Lino. Problema na sa Taguig ang inaasikaso niyang alamin ngayon. “Minsan nagigising pa rin ako sa gabi, Naghihintay ako ng text ng producer ko, kung may taping,” sabi niya na hindi naman gaanong kilala ang kalaban kaya malapit na siyang tawaging Cong. Lino Cayetano.

Habang nakikipag-tsikahan siya ay dumating ang kapatid niyang si Sen. Peter Allan Cayetano na nagsabing maraming plano ang kapatid niyang director sa kanilang lugar.

Ten years na sa showbiz ang poging director at kasama sa naging programa niya sa GMA ay Little Big Star, Stardance, Starstruck 1, Starstruck Kids and Starstruck Playhouse.

Sa ABS-CBN, nahasa siya nang husto sa Maalaala Mo Kaya and Wansa­panatym at sumabak sa mga telenovelas like Anghel na Walang Langit, Calla Lilly, Tanging Yaman, Noah, Kung Ako’y Iiwan Mo, Aryana, Boystown and Growing Up.

Direk Lino obtained his Bachelor’s degree in Mass Communication from the University of the Philippines in Diliman. After he majored in Film, ipinagpatuloy niya ang Diploma in Directing sa New York Film Academy. At nung nasa New York siya, he attended comprehensive workshops in screenwriting and acting and further studied cinematography in the School of Visual Arts. When he returned to the country, he was invited to be one of the lecturers in the University of the Philippines (UP) at siya ang pinakabatang member ng UP faculty noon sa edad na 23.

Nasa dugo talaga niya ang pulitika kung saan ang kanyang amang si Sen. Rene ay nagsimulang assemblyman bago naging senador. Nasa senado naman ang dalawa niyang kapatid na sina Sen. Peter nga at Sen. Pia Cayetano.

GMA Network binuweltahan na si Sarah Lahbati

Nagsampa ng kaso para sa Specific Performance with Damages ang GMA Network laban kay Sarah Lahbati kahapon sa Regional Trial Court ng Quezon City.

Nakasaad sa reklamo ng Network ang ginawang paglabag ni Lahbati sa kanyang management at program contracts o ang kaniyang “failure and refusal to comply with her obligations and undertakings under the Management Contract she had signed up with GMA 7 and appearances in her program assignments despite notice and advice.”

Dagdag din ng GMA ang “continuous dishonor and flagrant violations of her obligations to perform her role as an artist in GMA 7’s TV programs is highly detrimental to the entertainment TV block of GMA-7; thus, requiring Lahbati to immediately discharge her contractual obligations with GMA-7.”

 Ang reklamo ay naglalaman ng liquidated damages na nagkakahalaga ng pitong milyong piso dahil sa mga ginawang paglabag ni Sarah.

  “Lahbati’s refusal to perform her obligations under the Management Contract and other program contracts coupled with her formal notice to take a leave of absence for one (1) month from the network without prior agreement or approval of GMA-7.”

 

 

 

 

 

ARYANA

DIREK LINO

GMA

LAHBATI

MANAGEMENT CONTRACT

NIYA

SARAH LAHBATI

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with