^

PSN Showbiz

Matteo mas gumanda ang takbo ng puso nang hiwalayan si Maja

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay na rin ng reaksiyon ang dating kasintahan ni Maja Salvador na si Matteo Guidicelli tungkol sa napabalitang panliligaw diumano ni Gerald Anderson kay Maja.

“Basta masaya siya, okay lang, walang problema. I’m just supportive of her. If she’s happy, that’s alright. She’s a smart girl and I think she knows what to do,” maikling pahayag ni Matteo tungkol sa isyu.
Ngayon ay maganda na ang takbo ng puso ng binata matapos ang hiwalayan nila ni Maja noong isang taon. “’Yung nangyari sa amin ni Maja I learned a lot. Love, don’t rush it. Even though you have the right love at the wrong time. I’m using it in my work and in my life now. Lots of experiences talaga na it counts a lot,” paliwanag ni Matteo.

Matatandaang ang kawalan ng oras ng binata kay Maja noon ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngayon kaya ay handa na si Matteo na maglaan ng sapat na oras para sa isang babae kung sakali mang magkaroon siya ng bagong karelasyon?

“It really depends. If a girl ay talagang swak basta no rush it can always wait,” giit pa ng binata.

Samantala, ngayon ay lalo pang gumaganda ang samahan nina Matteo at ng leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso na si Jessy Mendiola.

Parating nakaalalay sa aktres, Xian pinasunod ni Kim sa Subic!

Masayang-masaya si Xian Lim dahil nakasama niya si Kim Chiu nitong nakaraang holiday break. Kasama ni Kim ang pamilya sa Subic sa Zambales at doon sila pinuntahan ni Xian para makipagdiwang ng Bagong Taon.

“Noong Christmas day they were in Hong Kong. After Christmas, nakakatuwa. I surprised her. Kami naman, wala kaming pupuntahan sa New Year. Masaya na nakasama ko si Kim noong bagong taon, masaya. Sana ii-invite pa niya ako sa mga susunod na party. I’m happy to be with her,” nakangiting kuwento ni Xian.

Tanggap na tanggap naman ang binata ng buong pamilya ni Kim.

“Natutuwa ako kasi tinatanggap nila ako eh. Parang relaxed lang, komportable lang ako na kasama sila kasi they accept me ’pag nandiyan ako,” dagdag pa ng binata.

Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan pa rin sina Xian at Kim at nakasuporta ang aktor sa dalaga ngayon sa pagharap ni Kim sa kontrobersiya na nag-uugnay kina Gerald Anderson at Maja Salvador.

“I will give her an open ear and a lending hand. I will just be there for her,” pagtatapos ni Xian.

Malapit din ang binata kay Maja dahil talagang nagba-bonding sila lagi sa set ng Ina, Kapatid, Anak. Reports from JAMES C. CANTOS

                         

 

vuukle comment

AFTER CHRISTMAS

BAGONG TAON

GERALD ANDERSON

HONG KONG

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with