^

PSN Showbiz

Ex at bestfriend may relasyon: Kim shocked sa ginawa nina Gerald at Maja

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay ng reaksyon si Kim Chiu tungkol sa napaba­balitang relasyon daw nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Malapit na magkaibigan sina Maja at Kim kaya marami rin ang nagulat sa balitang ito. “For me, I’m happy for them. Wala namang masama kasi pareho naman silang single.

Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa. Nakakalungkot lang kasi ‘yung friendship nasayang,” seryosong pahayag ni Kim.

Aminado rin ang dalaga na ikinagulat niya nang marinig ang balita tungkol sa dating kasintahan at malapit niyang kaibigan. “Nagulat ako, hindi ko in-expect na mangyayari itong ganito. Di ba parang bakit? Hindi naman ako bitter kung ano man nangyayari sa kanila. I’m happy for them. Parang nalungkot lang kasi ako kasi ‘yung taong sinabihan ko nung time na down ako, dun sa… ‘yun, parang, kinain lang niya ‘yung sinabi niya,” dagdag pa ni Kim.

May tensiyon kaya ngayon sa pagitan nina Maja at Kim lalo pa’t magkasama sila sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak? “We’re okay. I don’t care about them. Bahala na siya, she knows Gerald, who Gerald is. We can work professionally. Maganda naman eksena namin, so it’s okay. Hindi naman ako nasasaktan, it’s okay,” giit pa ni Kim.

Desiree kasamahan sa Aryana ang karelasyon

Magtatapos na ngayong buwan ang teleseryeng Aryana ng Kapamilya network. Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ngayon ni Desiree Del Valle dahil naging bahagi siya ng nasabing proyekto. “Sobrang happy naman kami saka naging maganda naman ‘yung reception ng tao sa show. Nakakalungkot kasi patapos na, actually last three weeks na kami. Siguradong pagagandahin pa namin ang ending ng Aryana,” bungad ni Desiree.

“It’s my first time na maging sirena and isa naman ‘yan sa mga gusto kong ganapin ever since. And now that I was given a chance, ang hirap pala talaga but very exciting. And there are times that you have to go into the water kahit gabi, kahit malamig. Kailangan hindi ka puwedeng magreklamo na ang lamig-lamig ganyan. You just have to do your role pa rin and it’s a fun experience,” pagbabahagi ng aktres.

Ngayon ay karelasyon ni Desiree ang kasamahan din niya sa serye na si Boom Labrusca. Ayon sa aktres ay masaya naman daw ang relasyon nila ng aktor. “Oh yes! Definitely, maganda, bonggang-bongga! This is it na talaga,” maikling pahayag ni Desiree.

Pansamantalang magpapahinga raw muna ang aktres pagkatapos ng kanilang serye. “So far wala pa naman sa ngayon, after you do a long running show, you need to take a break. Kahit naman ako walang break, okay naman ako, pero okay lang naman sana na soon, right after Aryana may role kaagad at sana hindi naman fantasy para maiba naman ‘yung level ng acting,” pagtatapos ni Desiree. -Reports from JAMES C. CANTOS                      

vuukle comment

AKO

ARYANA

BOOM LABRUSCA

DESIREE DEL VALLE

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

MAJA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with