Pac-Marquez 4 nanguna sa mga programa ng GMA noong 2012
MANILA, Philippines - Patuloy sa pangunguna ang GMA Network sa nationwide ratings sa ikalawang magkasunod na taon matapos ang malakas nitong performance noong 2012 ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.
Mula January hanggang December 2012 (December 16 to 31 base sa overnight data), nakapagtala ang GMA ng average total day household audience share na 34.4 percent.
Patuloy sa pangunguna ang GMA Afternoon Prime na mas lalong nagpaangat sa ratings ng GMA. Wagi rin ang GMA sa morning block para sa kabuuan ng nakaraang taon.
Samantala, nanatili ring matatag ang GMA sa mga mahahalagang lugar ng Urban Luzon at Mega Manila na kumakatawan sa 77 at 59.5 percent ng kabuuang urban television households sa bansa.
Sa Urban Luzon, nagtala ang GMA ng 38.2 percent average total day household audience share.
Wagi rin ang ratings performance ng GMA sa Mega Manila kung saan nakakuha ito ng average total day household audience share na 39.2 percent.
Ang GMA airing ng Pacquiao-Marquez 4 at tapatang Pacquiao-Bradley ang nagkamit ng una at ikalawang puwesto sa listahan ng top-rating shows sa NUTAM, Urban Luzon, at Mega Manila.
Ilan pa sa top-performing programs ng GMA noong 2012 ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown Finale, na pumangatlo sa over-all list sa Urban Luzon at Mega Manila, Kapuso Mo, Jessica Soho, Amaya, Munting Heredera, Eat Bulaga, 24 Oras, Biritera, Legacy, Luna Blanca, My Beloved, One True Love, Makapiling Kang Muli, Kapuso Movie Night Pinoy Flicks, Aso ni San Roque, Kapuso Movie Night, Naglalayag (Holy Week Special), at Pepito Manaloto.
Ngayong 2013, handog ng GMA ang mga malalaki at bigating programa sa pangunguna ng fantasy dramang Indio na mapapanood na ngayong Enero. Ang Indio ay pagbibidahan ni Senator Ramon “Bong†Revilla, Jr.
Dapat din abangan ngayong Enero ang afternoon dramang Forever na pangungunahan nina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, at Gloria Romero, at ang bagong programa ni Manny Pacquiao na Para Sa’yo ang Laban na ‘to.
- Latest