^

PSN Showbiz

Zaijian, takot malaos!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

After doing roles  for shows like May Bukas Pa, Noah, Ikaw Ang Pag-ibig at Lorenzo’s Time, isang buwan na mapapanood si Zaijian Jaranilla sa  longest running at most-awarded fantasy-drama antho­logy on Philippine television na Wansapanataym. Sa buong buwan ng  January, magbibigay ang 11 taong gulang na child wonder  ng inspi­rasyon  at aral sa buhay sa mga kabataan na ma­ging siya ay hindi pa gaanong nauunawaan pero, matutunan din niya dahilan sa show.

Nagsimula na ang stint ni Zaijian sa Wansapanataym nung Sabado, Jan.  5 at ipinagmamalaki ng Kapamilya Network na nag-No. 1 ito with a 31.4 % viewership as against GMA’s Kap’s Amazing Story na hino-host ni Sen. Bong Revilla. Inaasahan ng network na tataas pa ang rating nito  sa mga darating pang tatlong linggo. Sa susunod na Sabado tungkol sa kumpetisyon ng mga mag-aama ang tampok.  Mag-ama sina Zaijian at  Epi Quizon na mapapalaban sa isang completion sa mag-amang Christopher Roxas at Bugoy Carino sa episode na Father & Son.

Sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN para kay Zaijian, may nagta­nong dito kung ano ang wish niya for 2013. Sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng marami pang proyekto at “Sana hindi pa ako malaos” na pinagtak­han ng lahat dahil at the moment ini-enjoy niya ang isang kasikatan na kakaun­ting  bata ang nabibigyan ng pagkakataon na malasap. Pero nagpakatotoo lamang siya dahil sa rami nga naman ng pumapasok mag-artista ngayon, ang bilis nang pagpapalit ng mga artista. Hindi siya sigu­rado sa ihahatid sa kanya ng kapalaran kaya wish niya na magpapatuloy ang kanyang pananagumpay. Inamin din niyang gusto niyang makatulad ang career niya kay John Lloyd Cruz.

Samantala, patuloy ang kanyang pag-aaral sa Angelicum at kahit sobra ang kaabalahan niya, nagagawa niyang pumasok ng iskuwela tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Tom Cruise wala munang love scenes sa Jack Reacher

May pinrodyus na pelikula si Tom Cruise na siya mismo ang bida. Ito ang Jack Reacher na palabas na simula ngayon sa mga sinehan. Kung nasanay ang mga manonood sa mga maaksiyong pelikula na ginawa ng guwapong aktor tulad ng serye ng Mission Impossible, hindi patatalo ang pambagong taon niyang pelikula. Ang car chase pa lamang ay maituturing ng isa sa pinaka-magandang na-cho­reograph sa big screen. Hindi rin pahuhuli sa ganda ang mga nawasak na sasakyan sa habulan. Pero kung ang ibang mga pelikula ni Cruise ay mas tinambakan ng action mula simula hanggang huli, dito sa Jack Reacher, nagbigay pa ng malalim na palaisipan sa manonood kung ano ang puntirya ng assassin sa ginawa niyang mass murder o sabay-sabay na pagbaril sa kanyang mga biktima sa isang sultada lamang. At bakit nananalig siyang may liwanag na maibibigay sa kanyang kaso ang character ni Cruise.

Kung may masasabing kakulangan ang pelikula kumpara sa mga nauna nang ginawa ng actor/producer, wala itong mga love scenes. Parang sobrang napaka-professional ng relasyon ni Reacher at ng magandang abogada na humahawak ng kaso. (Rosamund Pike). Hanggang ito na mismo ang nagbigay ng motibo para magkaroon sila ng pisikal na relasyon ni  Reacher pero tahasan pa ring tumanggi ang imbestigador ang kanyang panunukso.

Ang Jack Reacher ay gawa ng best selling author ng New York Times na si  Lee Child at direksiyon ng isa pa ring award winning director na si Christopher McQuarrie. Ipinamamahagi ito ng United International Picture sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

Bea naungusan ni Barbie

Hindi naman siguro nangangahulugan na porke mas pinapanood ang Paroa kaysa sa Cielo de Angelina (na natapos na) ay nakaungos na si Barbie Forteza kay Bea Binene. Nagkataon lang siguro na mas patok ngayon ang mga  fantaserye at mas nakyu-kyutan ang mga manood sa pakpak nito Mariposa kaysa sa drama ni Angelina. At baka malaki rin ang epekto ng oras ng pagpapalabas ng dalawang serye.

Paulo may pramis din sa pagpapatawa, Sam kailangang mag-effort

Parang napaka-promising ng Kahit Konting Pagtingin na nagtatampok sa bagong kumbinasyon nina Angeline Quinto, Sam Milby at Paulo Avelino. Parang okay ang pagpapakikay ng magaling na singer lalo na sa mga seryoso niyang leading men. Isang malaking turn-about ang role ni Paulo matapos ang napaka-challenging na pagpapaka-praning niya sa Walang Hanggan. Dapat lang matakot si Sam sa kanya dahil kahit sa comedy ay mukhang  magaling ito base sa mga trailer na napapanood na ngayon sa TV. Kailangan niyang mag-effort para makasabay sa kanyang dalawang kasamahan. Kahit bago sa pag-arte si Angeline ay mukhang natural naman at bakyang-bakya ang atake nito sa kanyang role.

 

AMAZING STORY

JACK REACHER

NIYANG

SABADO

SHY

TOM CRUISE

ZAIJIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with