Martir na maybahay, reresbakan ang babaerong mister
MANILA, Philippines - Hindi na makayanan ni Imelda Pareño ang pagbuhay sa limang anak kaya pinaubaya na niya ang pag-aalaga sa kanila sa kanyang asawa at kabit. Ngunit imbes na tratuhin sila nang maayos ay pagmamaltrato pa ang inabot ng mga bata sa mismong ama at madrasta.
Ngayong (Jan 8) sa Pinoy True Stories: EngÂkwentro, susuriin ni Karen Davila ang pamilya PaÂreño na nasira ng pambababae at kung ano ang maaaring gawin ni Imelda upang iligtas sa pang-aabuso ang kanyang mga anak.
Hindi na nakita ni Imelda at ng kanyang mga anak ang asawang si Francisco matapos ng isang taon, ngunit dahil nahirapan na ang ina sa pagsuporta sa lima niyang mga anak na mag-isa ay napilitan na rin siyang hanapin ang dating asawa at ipaubaya sa kanya ang mga anak.
Ngunit nadiskubre ni Imelda na binubugbog pala ni Francisco at ng madrasta ang kanyang mga bata. Ilang taong tiniis ni Imelda ang panloloko ng asawa ngunit natapos na ang kanyang pagtitimpi matapos masaktan ang mga anak. Dahil dito, sa Barangay Batasan sa Quezon City nagharap at naglabanan ang mag-asawa at ang kabit. Mapatawad pa kaya ni Imelda ang abusadong mister?
Huwag palampasin ang Engkwentro kasama si Karen Davila ngayong (Jan 8) sa ABS-CBN, 4:45 PM sa Kapamilya Gold.
- Latest