Walang Hanggan pinaka-sinubaybayang programa ng 2012
MANILA, Philippines - Mas tinutukan ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa ang ABS-CBN noong 2012 maÂtapos itong maÂnguna sa nationwide TV viewing sa urban at rural homes sa natamo nitong average audience national audience share na 42% mula Hunyo hanggang Disyembre laban sa 31% lang ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Simula noong Hunyo 2012 ay mas pinalawak ng Kantar Media ang pagkalap nito ng datos na basehan ng TV ratings measurement kasama ang rural homes.
Mula Hunyo hanggang Disyembre ng 2012, nanguna rin sa buong bansa ang primetime (6 p.m.-12 m.n.) ng ABS-CBN na may 48% audience share. Pinakamahalagang timeblock ang primetime kung saan pinakamaraÂming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Pumatok din ang Kapamilya morning block (6 a.m.-12 n.n.) sa panahong ito na may average audience share na 40%.
Kahit nga sa pagtatapos ng 2012 ay hindi nakapalag ang ibang network sa Dos. Noong Disyembre, nagtala ito ng 40% audience share sa national daytime. Wagi rin ang primetime lineup ng ABS-CBN sa nasabing buwan na may 44% audience share.
Sa kabuuan, nagwagi ang ABS-CBN sa rural homes noong Hunyo-Setyembre 2012 sa audience share na 49% laban sa 31% ng GMA sa total day, at 56% vs 26% sa primetime. PagdaÂting naman sa urban homes sa kabuuan ng 2012, bumida ang ABS-CBN sa audience share na 36% laban sa 33% ng GMA.
Sixteen out of the 20 most watched programs nationwide in the June-December 2012 period covering urban and rural homes were produced by ABS-CBN.
Ang natapos na Walang Hanggan ang namayani sa TV raÂting of 38.4%, followed by Princess and I (35.3%), Maalaala Mo Kaya (33.4%), and Wansapanataym (32.5%).
- Latest