Niregaluhan ang sarili ng camera... Janice magpo-photography naman
Noong isang taon ay maraming nagawang horror films si Janice de Belen, Shake, Rattle & Roll XIV: The Strangers, Tiktik: The Aswang Chronicles, Pridyider, at Mga Mumunting Lihim ang mga naipalabas na pelikula ni Janice sa taong 2012.
Ayon sa aktres, hilig niya talaga ang gumawa ng ganitong tema para sa isang proyekto.
“It’s fun. I enjoy making monster flicks. Kahit na nakakapagod and you know that it takes a lot of time pero gusto ko kasi iba naman ginagawa ko sa TV,†bungad ni Janice.
Ilang teleserye na rin ang nagawa niya mula nang bumalik siya sa Kapamilya Network noong 2010. Masaya si Janice dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto. Hindi rin niya nililimatahan ang sarili para mas marami pa siyang magawang pelikula.
“I’m really thankful. ’Yung mga ganito hindi ko naman pinag-iisipan. When I accept a project, maganda ba ’yung role? Sino mga kasama ko? Parang okay naman, kung may time, let’s do it. Hindi ko iniisip na maybe I should do this movie, wala akong gano’n, basta nag-e-enjoy ako,†paliwanag ng aktres.
Samantala, isang mamahaling kamera ang binili ni Janice bilang regalo niya sa sarili para sa lahat ng kanyang paghihirap sa trabaho.
“Because of Instagram, I want to take better pictures. And lately, napansin ko ’yung camera kong luma, bakit parang malabo na, outdated na siguro ’yung cam. That’s why I bought a Lumix ’tapos bumili ako ng lens. Gusto ko talaga matuto mag-photography pero hindi lang talaga ako magaling,†natatawang pahayag pa ng aktres.
Star Cinema sasabak sa international film
Sa Jan. 30 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang Chinese Zodiac. Ito ang pelikulang isinulat, iprinodyus, idinirek, at pinagbibidahan ng Asian Superstar na si Jackie Chan. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magre-release ang Star Cinema ng isang international film.
Ang Chinese Zodiac din ang sinasabing top-grossing action-comedy film ni Jackie sa China dahil nasa 34.6 million dollars ang kinita nito sa loob pa lamang ng apat na araw na pinapalabas ito sa mga sinehan.
Kinunan pa raw sa walong bansa ang nasabing proyekto at tampok din dito sina Oliver Platt, Laura Weissbecker, Liao Fan, Yao Xing Tong, Zhang Lan Xin, at ang Korean heartthrob na si Kwon Sang-Woo na unang minahal ng mga Pinoy sa hit Koreanovela na Stairway to Heaven.
Ang Chinese Zodiac ay isang action-comedy-adventure film na tungkol sa kuwento ng isang adventurer at treasure hunter na si JC (ginampanan ni Jackie Chan) na ginalugad ang buong mundo upang mahanap ang mga ninakaw na bronze heads ng labingdalawang hayop na bahagi ng Chinese Zodiac.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest