^

PSN Showbiz

MMFF hindi pa nakaka-P700 million?!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming naghihintay sa ilalabas na official result sa matatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malalaman na kasi kung magkano talaga ang kinita ng bawat pelikula. Inaakusahan na padded ang mga lumalabas ngayon dahil galing naman ito sa mga producer ng mga pelikulang kumikita.

Huling naglabas ng official figures ang MMFF last Jan. 2, mga kita from Dec. 25 to Jan. 1 ’yun.

Malalaman din kung umabot sa P700 million ang kita ng walong pelikula na target ng MMFF. As of yesterday daw kasi wala pa sa P700 million ang kita. Hindi na kasi gaanong lumakas ang ibang pelikula after new year.

Young star nakikipag-agawan ang taba habang sumasayaw

Hindi pa dapat pinagsusuot ng sexy outfit ang isang young star. Ang dami pang baby fats. Kahapon habang nagsasayaw eh nakikipag-agawan ng eksena ang kanyang mga taba.

Pinipilit na siyang pagdalagahin kahit puwedeng hindi pa naman.

Bagong child wonders ng ABS-CBN ipakikilala sa may isang pangarap

Malapit nang ipakilala ng ABS-CBN ang dalawang bagong Kapamilya child wonders na magpapakitang-gilas at kukurot sa puso sa TV viewers sa pamamagitan ng upcoming Primetime Bida drama series nitong May Isang Pangarap. Tampok dito ang mga tunay na karanasan na pinagdaanan ng mga batang sina Larah Claire Sabroso ng Davao City at Julia Klarisse Base ng Manila upang maabot ang ultimate dream nila na maging singers.

Sina Larah at Julia ay kapwa na-discover sa nationwide talent search na Kapamilya Little Star na ginanap noong 2012. Bahagi rin ng kuwento ang mga ina nina Larah at Julia na gagampanan nina Carmina Villarroel at Vina Morales.

Tampok din sa May Isang Pangarap sina Rico Blanco, Erin Ocampo, Dominique Roque, Bembol Roco, Shamaine Buencamino, Dennis Padilla, Gloria Diaz, Valerie Concepcion, at Ron Morales.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

MMDA naging malupit sa pobreng driver

Kawawa naman ang naging kapalaran ng isang driver sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ang nangyari, hindi sinasadyang napaliko siya sa one-way street sa may area ng Ortigas, Pasig City. Wala namang idea ang pobreng personal driver na one way ‘yun since merong dalawang sasakyang nauna sa kanya. Kaya hinuli siya ng tauhan ng MMDA.

Pumayag namang pahuli ang driver sa pag-aakalang minor offense ang kanyang nagawa dahil hindi nga naman sinasadya. Pero ang naging parusa, sinususpindi siya ng dalawang buwan at pinagbabayad pa siya ng kung ilang libo.

Eh bago pa mag-Pasko ’yun. So, ang pobreng driver ay kawawa naman dahil hindi nagkaroon ng peace of mind sa panahon ng Kapaskuhan dahil nga nag-aalala sa kanyang magiging kapalaran.

Ayun, tama nga naman siya. Dahil pagpasok ng 2013, ipinadala na nga sa kanya ang suspension order na parang ang laki nang nagawa niyang kasalanan.

Sumulat pa ang amo niya ngayong si Tita Ethel Ramos sa MMDA para sabihing sa loob ng tatlong taon niyang driver ito, hindi ito na-involve sa ibang traffic violations pero walang naging epekto.

Ang punto: Ang daming malalaking traffic violations pero walang napaparusahan. Pero ang isang driver na ang kinikita lang sa pagmamaneho ang inaasahan, ganun kahigpit ang MMDA. Dapat ba talaga suspension ang parusa?

 

BEMBOL ROCO

CARMINA VILLARROEL

DAVAO CITY

DENNIS PADILLA

DOMINIQUE ROQUE

DRIVER

ERIN OCAMPO

GLORIA DIAZ

MAY ISANG PANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with