^

PSN Showbiz

Mga pelikula ni Piolo Pascual magpapakilig sa Cinema One

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May aabangan na ang Piolo Pascual fanatics tuwing Linggo dahil itatampok ng Cinema One ang kanyang mga romantic film sa Romance Central Block ngayong Enero. Abangan ang 9 Mornings, Paano Kita Iibigin, Milan, at Till There Was You.

Ang 2002 film ni Jose Javier Reyes na 9 Mornings ay isang romantic comedy na pinagbibidahan nina Piolo at Donita Rose. Tungkol ito sa buhay ni Gene, isang obsessive-compulsive na event organizer na ang tanging layunin sa buhay ay kumita ng maraming pera matapos makaharap ang isang trahedya na nagtulak sa kanyang kalimutan na may Diyos. Hanggang sa iwanan siya ng pamana ng kanyang namatay na lola ngunit makukuha niya lamang ito kung tatapusin niya ang siyam na simbang gabi, isang tradisyong hindi niya pinaniniwalaan.

Ipapalabas ito bukas Jan. 6, 6:00 p.m.

Ang Paano Kita Iibigin ni Joyce Bernal noong 2007 ay pinagbibidahan nina Piolo at Regine Velasquez. Umiikot ito sa buhay nina Martee (Regine), isang minalas sa trabahong single mother, at Lance (Piolo), isang mayamang may-ari ng resort. Nagkita ang dalawa nang tumungo si Martee kasama ang anak sa resort ni Lance upang doon panandaliang magbakasyon ngunit mamalasin siya muli nang masira ng anak niya ang mamahaling motorsiklo ni Lance. Dahil sa kawalan ng pambayad, pagtatrabahuhan ito ni Martee.  

Tampok din sina Eugene Domingo, Erich Gonzales, at Iya Villania sa Paano Kita Iibigin na ipapalabas sa Jan. 13, 6:00 p.m.

Mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan ang 2004 blockbuster hit na Milan na kinatatampukan nina Piolo at Claudine Barretto at kinunan sa iba’t ibang siyudad ng Italy. Tungkol ito sa dalawang Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na nakahanap ng pag-ibig at kasiyahan sa isa’t isa. Dahil sa pagganap nina Piolo at Claudine bilang sina Lino at Jenny, naiuwi nila ang best actor at best actress awards mula sa FAMAS at naging nominado ang pelikula sa best picture.

Tampok din sa pelikula sina Iza Calzado, Ryan Eigenmann, and Lotlot de Leon at ipapalabas ito sa Jan. 20, 6:00 p.m.

Muling nagsama sina Piolo at Judy Ann Santos sa kanilang pangatlong blockbuster hit na Till There Was You mula sa direksiyon ni Bb. Joyce.

Hindi akalain nina Joanna (Judy Ann) at Albert (Piolo) na ang isang maikling tagpo nila sa bus ang babago sa kanilang buhay. Dahil sa librong may litrato na naiwan ni Joanna sa bus na itinago ni Albert ng ilang taon, inakala ni Pippa, anak ni Albert na ang babae sa litrato ang kanyang nawawalang ina. Ipapalabas ang Till There Was You sa Jan. 27, 6:00 p.m.

10 manghuhula sasabak sa Extra Challenge

Sampung psychics na may iba’t ibang powers ang sasabak ngayong weekend sa Extra Challenge: Sina Erik Cruz, Peter John Paul Elardo, Dorothy Elardo, Ana Liza Dela Cruz, Elizabeth ‘Laiza’ Milo , Tony Suvega, Lian Ocampo, Robert ‘Rob’ Rubin, Carlyn ‘Len’ Sapungan, at Dong Kent Besas. 

Sa isang luma at abandoned building masusubukan ang psychic abilities ng challengers para malaman kung sino ang pinakamata­tag at pinakamadiskarte na mag-uuwi ng P150,000.

Sa unang hamon, iba’t ibang gamit nina Richard, Marian, at Boobay ang dapat nilang mahulaan at mailagay sa kanya-kanyang kahon. Pero isang twist ang ibubunyag sa kanila bago matapos ang challenge. Sino sa kanila ang makahuhula ng tamang gamit ng hosts?

Hindi naman maawat ang kasikatan ng Youtube sensation ng grupong Chicser at pati sila nakigulo sa challenge. Mahulaan kaya ng psychic challengers kung sinong Chicser ang nawawala sa loob ng building?

Sino ang uusad sa next challenge at sino ang uuwing luhaan? Dahil sa Sunday episode ng Extra Challenge, anim na psychics ang matatanggal sa laro.

Apat na lang ang maghaharap-harap sa huling hamon kung saan isang kontrobersiyal na celebrity ang bibisita: si Hayden Kho. Dahil sa challenge, isang psychic ang makahuhula sa tunay na pagkatao ni Hayden at iba pang impormasyong hindi pa inilalabas ng celebrity na naging dahilan kung bakit naiuwi ng challenger ang P150,000 at napatunayang isang magaling na psychic.

Lahat ng ito ngayong weekend, January 5 at 6, sa Extra Challenge, pagkatapos ng 24 Oras Weekend, sa GMA 7.

 

vuukle comment

CHALLENGE

DAHIL

EXTRA CHALLENGE

ISANG

JAN

PIOLO

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with