Yasmien flight attendant ang mister
Guwapo ang napangasawa ni Yasmien Kurdi na si Rey Soldevilla, Jr. at maganda ang one-month old baby nilang si Ayesha. Naka-post sa Facebook ang picture ng pamilya ni Yasmien, ibig sabihin, hindi niya ito inililihim.
Saka, maggi-guest bukas sa Startalk si Yasmien para magkuwento sa pagbabago ng kanyang status. Tsika sa amin, student council president, Mr. University, at graduate ng aeronautical engineering ang napangasawa ni Yasmien at ngayon ay isang flight attendant ang mister niya.
Marian, all the way ang gagawing pagpapa-sexy
Sayang at walang ibinigay na picture ang production staff ng Temptation of Wife ng eksenang nagsasayaw sa stage si Marian Rivera na naka-bikini. Ang eksena’y ipinakilalang image model ng House of Armada ang aktres pero bilang si Chantal Gonzales na at hindi si Angeline.
Kung hindi kami nagkakamali, second time pa lang nag-bikini si Marian sa TV, ang una’y nangyari sa Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at pangalawa ngayon. First time yatang magpapakita ng skin ni Marian sa soap at mukhang masusundan pa at sinabi naman nito na handa siyang magpa-sexy para sa bagong karakter.
“Mas may effort ako bilang si Chantal, all the way ako as Chantal and it’s about time na gawin ko ito, basta more skin pa,” pangako ni Marian.
Samantala, wala pa kaming balita kung ano ang magiging title ng movie nina Marian at AiAi delas Alas na ang sabi si Onat Diaz ang magdidirek. Comedy daw ito, kung saan parehong magaling ang dalawa, kaya tiyak na maayos ang magiging takbo ng shooting.
Thy Womb kumita pa rin kahit kulelat sa takilya
Tuwang-tuwa ang mga nasa likod ng Thy Womb dahil nagdagdag ng mga sinehan ang pelikula at ibig sabihin nakatulong ang pananalong best actress ni Nora Aunor sa filmfest. Pati ang good reviews na lumabas sa ganda ng movie at acting ng cast.
Kahapon, ang nine theaters nationwide ay nadagdagan ng four more theaters kabilang sa Promenade sa Greenhills at bukas, Sabado, may madadagdag pang theater at ibabalik ang Thy Womb sa Naga City, Bicol at Bacoor sa Cavite.
Kuwento ng isang kaibigang nanood ng movie ni Guy sa SM Sta. Mesa, Manila, may mga nakasabay siyang Korean nursing students at iba pang foreign students na nanood. Hindi sila mahihirapang intindihin ang movie dahil may English subtitle ito. Marami rin ang nanood ng Thy Womb sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City noong Jan. 1.
Nasa last man ang ranking sa box office ng Thy Womb, masaya si Direk Brillante Mendoza at ang mga investor sa pelikula. Sa liit ng puhunan at liit ng ginastos sa publicity, baka mas kumita pa ito sa ibang filmfest entries.
- Latest