^

PSN Showbiz

Yasmien nakalagpas sa maraming nangyari sa buhay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ginulat ni Yasmien Kurdi ang kanyang mga kaibigan at fans dahil iilan ang nakakaalam na ikinasal siya noong January 2012 at nagsilang ng baby girl noong November 2012.

Rey Soldevilla, Jr. ang name ng better-half ni Yasmien at matagal na silang may relasyon. Active pa si Yasmien sa showbiz nang maging boyfriend niya si Rey at magkasama ang dalawa, through thick and thin.

Ayesha ang pangalan ng panganay nina Yasmien at Rey. Alive at “she who lives” ang meaning ng name ng cute na bagets bilang parehong good-looking ang kanyang mga magulang.

Never na inilihim ni Yasmien ang kanyang pagbubuntis. Bukod sa walang nagtatanong tungkol sa kanyang kalagayan, likas na malusog si Yasmien kaya parang walang nagbago sa shape ng katawan niya.

Nagkita noon sina Yasmien at Mark Herras pero hindi ito nagduda na buntis ang kanyang kaibigan dahil sanay na siya sa healthy body ng una. Healthy body daw o!

Pumayag si Yasmien na magpainterbyu sa Startalk tungkol sa bagong chapter ng kanyang buhay at mapapanood ito bukas.

Wala pa sa isip ni Yasmien ang magbalik-showbiz dahil ang pamilya at ang pag-aaral ang kanyang priority.

Very supportive si Rey kay Yasmien na desidido naman na matapos ang kanyang nursing course. Puwedeng-puwede si Yasmien na bumalik sa showbiz dahil talented siya. Maipagmamalaki rin niya na  kasal siya, hindi kagaya ng ibang mga young star na nabuntis pero hindi pinanindigan ng kanilang mga dyowa.

Turning 24 si Yasmien sa January 25 at ang pagkakaroon ng sariling pamilya ang best birthday gift na natanggap niya.

Bago natapos ang 2012, nagpasalamat si Yasmien sa lahat ng mga tao na nakatulong sa kanya. Heto ang kanyang emote:

“ Gusto kong magpasalamat sa maraming taong natulungan ako, kami, sa dami na nangyari nitong taon. Napakahirap man kasi ang daming hadlang pero eto ang pinakamasaya at worth it na taon sa buong buhay namin!

“ Akala ko noong una ‘di ako mag-survive pero dahil kay Rey, kay Ayesha, sa Dad ko, sa mom ko, sa best friend ko at sa iba ko pang mga totoong kaibigan nakayanan ko lahat harapin ang mga suliranin na nagdaan.

“ Marami akong natutunan na mahahalagang bagay ngayong 2012... Napakarami... Isa doon ay ang pahalagahan ang bawat blessing na binibigay ni God. Hinding-Hindi ko makakalimutan itong 2012!

“Sa, 2013, bagong simula na ulit para sa atin, wala man perpektong buhay pero nasa mga kamay din natin nakasalalay ang kasiyahan sa buhay at pagbabago!”

 Bababu na sa pilipinas!

Hindi ako naniniwala na makakaapekto sa Seduction ang desisyon ni Sarah Lahbati na mag-goodbye sa showbiz.

Makakatulong pa nga ang isyu para lalong umingay ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na ipalalabas sa mga sinehan sa January 30.

Maraming question ang showbiz press para kay Sarah. Looking forward sila sa presscon ng Seduction dahil gusto nilang malaman ang puno’t dulo ng mga emote ni Sarah sa Twitter.

May nagsabi sa akin na anytime soon, aalis na ng Pilipinas si Sarah dahil ‘yun ang gusto ng kanyang mga magulang. Baka hindi na mahintay ni Sarah ang showing ng Seduction sa mga sinehan.

 

 

 

vuukle comment

AYESHA

DAHIL

KANYANG

MARK HERRAS

REY SOLDEVILLA

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

YASMIEN

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with