^

PSN Showbiz

Cristine mas piniling kasama si Rufa Mae kesa kay Rayver

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina Rufa Mae Quinto at Cristine Reyes ang magkasama noong nakaraang Bagong Taon.

Kaya ang tanong ng mga nakakakita ng mga photos nila sa Instagram, nasaan si Rayver Cruz.

Bakit daw sa Cebu sila nag-New Year at hindi sa kani-kanilang pa­milya.

Baka naman meron lang silang inasikasong negosyo kasi meron naman daw silang kasamang mga kaibigan.

Derek may pasabog sa kidlat

Isang malaking pasabog ang hatid ng TV5 ngayong bagong taon sa pagbubukas ng primetime drama series, ang Kidlat. Pinagbibidahan ito ng Kapatid hunk na si Derek Ramsay.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Kidlat ay mag-uumpisa bilang isang 90-minute movie special na mapapanood sa Linggo, January 6.

Sa January 7 naman ang simula ng regular run ng series.

Ang Kidlat ay nasa ilalim ng pamamahala ng acclaimed director na si Mike Tuviera. Pinagbibidahan ito nina Baron Geisler, Nadine Samonte, Wendell Ramos, Ritz Azul, Assunta de Rossi, Jay Manalo, at ang multi-awarded actor na si Christopher de Leon sa isang natatanging pagganap.

Nag-pramis sila na mabubusog ang buong pamilya sa action at adventure na hatid ng pina­kabagong Pinoy superhero.

Panoorin ang Kidlat: The Movie sa January 6, 6:45 PM at patuloy na sundan ang kuwento Lunes hanggang Biyernes, 6:45PM pagkatapos ng Aksyon sa TV5.

Husay at diskarte ng mga pinoy para sa P1 million masusubukan sa minute to win it

Kaya mo bang patumbahin ang isang pyramid ng mga lata gamit lamang ang mga lastiko o kaya’y bunutin nang isa-isa ang lahat ng tissue sa isang box gamit lamang ang isang kamay sa loob lamang ng 60 segundo? Kapag nalampasan mo ang sampung challenges gaya nito gamit ang mga bagay na natatagpuan sa loob ng bahay, maaari kang mag-uwi ng P1 milyon sa pinakabagong game show ng ABS-CBN na Minute to Win It.

Mula sa international production company na nagdala sa bansa ng The Biggest Loser at MasterChef, pumatok ang Minute to Win It sa Estados Unidos at iba pang bahagi ng mundo para sa nakakaaliw at nakaka-excite nitong challenges na hinahamon ang mga ordinaryong taong mahasa ang kanilang husay at diskarte para sa pagkakataong mabago ang kanilang buhay. May bersiyon na rin ito sa 40 iba’t ibang bansa sa mundo kabilang na sa Australia, India, at United Kingdom.

Ang Philippine version ng Minute to Win It ay pangungunahan ni Luis Manzano. Dadaan ang mga contestant sa sari-saring mga hamon gamit ang mga bagay na ginagamit sa araw-araw. Habang pahirap nang pahirap ang mga challenge ay palaki rin nang palaki ang cash prize kaya naman kailangan ding mamili ng contestant kung siya’y susuko na at iuuwi ang perang naipon o magpatuloy para makuha ang P1 milyon.

Ang try-outs para sa game show ay magbubukas ngayong Enero 7 at 8 simula 8:00 AM sa ABS-CBN Center Road, Quezon City para sa lahat ng interesadong 18 taong gulang at pataas. Hinihimok ang mga gustong sumali na magpraktis sa bahay sa mga larong nabanggit sa itaas.

ANG KIDLAT

ANG PHILIPPINE

BAGONG TAON

BARON GEISLER

BIGGEST LOSER

CENTER ROAD

CRISTINE REYES

KIDLAT

WIN IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with