^

PSN Showbiz

Manghuhulang si Madam Auring ‘di na kapani-paniwala! Pacman patuloy na pinaglalaruan ng mga Kano

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi na pinaniniwalaan at hindi na dapat paniwalaan ang mga hula ni Ma­dam Auring dahil hindi niya mabigkas nang tama ang mga pa­ngalan ng mga artista na kanyang hinuhulaan.

SCENE: Ang pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito na matutuloy sa 2013 ang pagsasapelikula sa life story ni Ben Tumbling at gagampa­nan ito ng kanyang anak na si Jerico Ejercito.

SEEN: Nag-aalala ang direktor na si Dante Mendoza dahil mali ang lumabas na box office gross ng Thy Womb.

May mga investor si Dante kaya worried ito na baka maniwala ang kanyang mga business partner na mahigit sa P20 million ang kinita sa takilya ng kanyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2012.

Hindi pa umaabot sa P20 million ang box office gross ng pelikula ni Nora Aunor.

SCENE: Patuloy na pinaglalaruan sa Twitter si Congressman Manny Pacquiao ng mga Amerikano na hindi maka-move on sa pagkatalo niya sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.

SEEN: Hindi makakatulong si Sam Pinto sa senatorial bid ni Congressman JV Ejercito.

Si Sam Pinto ang starring sa  TV ad campaign ni JV.

SCENE: Walang recall si Andrea Torres sa publiko dahil pabagu-bago ang kanyang itsura at marami siyang kahawig na artista.

SEEN: January 1, 2013 nang umalis ng Pilipinas si Lian Paz at January 1, 2013 din nang dumating siya sa San Francisco, California. Hindi commercial plane ang sinakyan niya.

SCENE: Hindi pa sinasabi ang mga host ng The Voice Philippines, ang upcoming reality television singing competition ng ABS-CBN na mapapanood ngayong 2013.

Inililihim pa ng ABS-CBN ang identity ng mga host at celebrity voice coach ng The Voice Philippines.

ANDREA TORRES

BEN TUMBLING

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DANTE MENDOZA

EJERCITO

JERICO EJERCITO

VOICE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with