Opisyal na kita inilabas na... Sisterakas naka-P231M, Agimat P104M, apat na kulelat naghati-hati lang sa P50M
Naglabas kahapon ng official result ang Metro Manila Film Festival sa kita ng walong pelikulang kasali. Pero hanggang sa top 4 lang ang may breakdown ng kita. Pero ang over all total ay para sa walo. Isang linggong kita ang pinagbasehan nito – from December 25 to January 1.
Nanatili sa no. 1 ang Sisterakas na kumita ng P231,878,445.67; second ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako na may P104,458,871.19; no. 3. Ang One More Try na may kitang P91,278,399.20; no. 4. ang Shake, Rattle and Roll na may P34,582,606.14 .
Ang total na kita ay umabot sa P512,873,411.55.
Ang apat na nasa hulihan ay ang The Strangers, El Presidente, Sosy Problems, and Thy Womb. Walang ibinigay na breakdown sa apat na huling pelikula.
So ang apat na pelikulang nanguna ay kumita ng P462,198,291. Kaya ang natira ay less than P50 million lang ang pinaghatian ng apat.
Samantala naririnig kong masama ang loob ni Direk Brillante Mendoza dahil may nagbalitang more than P20 million ang kinita ng Thy Womb eh hindi naman daw totoo. Nagde-demand siya na sana ay maglabas ng figures ang MMFF dahil may mga investors siya sa pelikula at baka siya ang habulin kung mali ang ilalabas na kita.
“I have investors in this project. Baka akala ng mga investors ko niloloko ko sila,” dagdag pa sa interview ng director.
Ang pakiramdam daw ni Direk Mendoza ay padded ang ibang inilalabas na resulta na nakakatulong sa mga malalakas na pelikula pero hindi sa tulad nilang hindi naman kumita. “Ako lang ang nagku-complain. Of course, bakit magrereklamo ang mga top grossers kahit padded ang box-office sales. It’s good promotions for their films.
“Kung ano ‘yung totoo, eh di ‘yun ang ilabas nila,” pakiusap niya pa sa nasabing interview.
Maalalang hindi pa naka-1 million ang nasabing pelikula nang magbukas ito sa mga sinehan noong Pasko kasabay ang pito pang pelikula. Kahit nga nanalong best actress si Ms. Nora Aunor at si Direk Brillante sa awards night ng MMFF ay hindi naman gaanong nakatulong para pilahan ang pelikula nilang pinuri-puri sa iba’t ibang international film festival.
Wala pang balita habang sinusulat ito kung tuluyan na itong na-pull out sa mga sinehan ang Thy Womb dahil nakaka-isang linggo na naman.
Anyway, ang daming tao sa mga sinehan last January 1 at malamang na malaki ang naitulong nito para lumaki ang kita ng mga pelikulang nangunguna habang ang mga hindi masyado ay nabaon na. Hanggang January 8, pa ang festival.
Sarah at Coco, gagawing pelikula ang Forever Is Not Enough
Kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula nina Sarah Geronimo at Coco Martin sa Star Cinema.
Pero uunahin muna raw ni Sarah ang third and final installment ng tambalan nila ni John Lloyd Cruz na may title na It Takes A Man And A Woman na ipalalabas sa Black Saturday.
At ang title ng pelikula nina Sarah and Coco, Forever is Not Enough, ang title na kauna-unahang hit song ni Sarah na hanggang ngayon ay naririnig pa ring pinatutugtog sa mga radio stations at kinakanta niya sa programa niyang Sarah G. Live sa ABS-CBN.
Parang exciting ang maging team up nina Sarah at Coco. Puwede kaya silang magka-debelopan bilang pareho silang loveless.
‘Showbiz personality’ na hindi maganda, grabeng mamintas
Kung hindi ka naman masyadong maganda at sexy, iwasan na sana ang pagiging pintasera. Ganito kasi ang drama ng isang ‘showbiz personality.’ As if ang tangkad at ang sexy niya at maputi pa kung makapintas. ‘Di muna manalamin. Actually, mas feeling pa siya kesa sa mga kaibigan niyang mas may karapatang mamintas.
Eh 2013 na, so sa mga laitera na wala namang masyadong karapatan look muna sila sa mirror at magdasal para ma-realize na hindi pala sila dapat namimintas ng kapwa.
- Latest