Kris dumami ang kagalit
Ang daming may galit kay Kris Aquino noh?! Lahat ng mga hindi nag ustuhan sa filmfest ay sa kanya isinisisi. ’Yung panalo ni Dingdong Dantes at ’yung pangunguna ng Sisterakas sa takilya, impluwensya rin daw niya.
I think dapat nang magsalita ni Kris once and for all. Para naman magkaroon ng closure ang ginaganap na malaking film event tuwing December. Kilala naman ang pagiging prangka niya, madali niyang mapapabulaanan o maitatanggi ang mga ibinibintang sa kanya.
Kathryn at Daniel nagbigay ng malaking ambag
Totoo namang malaki rin ang ambag ng Kathryn Bernardo/Daniel Padilla love team sa success ng Sisterakas sa box office. Huwag na lang silang masyadong sensitive kung nasesentro ang credit sa tatlong bida ng pelikula na sina Vice Ganda, AiAi delas, at Kris Aquino. Ganito naman ang kalakaran sa lokal na pelikula.
Gaano man kasikat ang dalawa, suporta pa rin sila ng tatlo. Magpasalamat na lamang sila at nakabilang sila sa cast ng pinakamalakas na pelikula sa takilya sa taong ito ng filmfest.
Wilma Doesnt nakapagparamdam dahil sa Sisterakas
Kung hindi pa nanalo ng award si Wilma Doesnt sa filmfest ay hindi mababaling ang tingin kay Kris. Lahat kasi ay nagkakaisa na mas na-feel ang presence ni Kris sa pelikula nila kahit pasulput-sulpot ang character niya.
Pero desisyon ’yun ng board of judges kaya bow na lang tayong lahat. Ang desisyon nila ang mangingibabaw, gaano mang pagtutol ang gawin natin. Sila ang bibigyan ng karapatan na pumili ng mananalo kaya quiet na lang tayo.
Nora hindi dahilan ng pagka-flop ng Thy Womb
Bakit nga naman isisisi kay Nora Aunor ang hindi pagiging box-office hit ng Thy Womb? Magaling naman ang trabaho niya sa pelikula na gaya ng pinatunayan ng sunud-sunod na pananalo niya ng best actress para rito. Baka kulang sa promo ang movie niya. O baka may ibang dahilan pero definitely, wala siyang kasalanan.
- Latest