^

PSN Showbiz

Richard at Sarah magpapabuwenas ng kaseksihan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Regal Entertainment, Inc. ang magpapabuwenas sa pagpasok ng 2013 dahil sa presscon ng Seduction, ang pelikula nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaf

Napapanood na ang trailer ng Seduction pero mahirap mahulaan ang kuwento ng pelikula na seksing-seksi ang mga eksena.

Ang Seduction ang biggest movie project ni Sarah dahil sila ni Solenn ang leading ladies ni Richard. Ang pagiging mahusay sa French language ang common denominator ng dalawang dalaga.

Na-link noon si Solenn kay Richard nang magkasama sila sa Survivor Philippines na kinunan sa Ranong, Thailand. Si Sarah naman ang current girlfriend ni Richard at tanggap siya ng Gutierrez family.

Si Peque Gallaga ang direktor ng Seduction. Matagal-tagal na rin mula nang huling gumawa ng pelikula ang magaling na direktor ng Scorpio Nights at Oro, Plata, Mata.

Christopher walang conflict sa TV5

Napanood ko na ang trailer ng Kidlat, ang fantaserye na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

Maya’t maya ang airing ng TV5 sa magandang trailer ng Kidlat na panonoorin ko dahil kasali sa cast si Christopher de Leon.

Walang conflict ang special participation ni Christopher sa Kidlat sa role niya sa Pahiram ng Sandali dahil hindi naman magkatapat ang kanyang mga television show. Early evening ang timeslot ng Kidlat at almost 9 p.m. ang airing time ng Pahiram ng Sandali.

Jennylyn at Luis wini-wish nang magkatuluyan ng fans

Ang sweet nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano sa litrato na kumalat sa Internet at galing sa Instagram ng kanilang kaibigan.

Humahalik si Luis sa kanyang girlfriend na masayang-masaya ang hitsura. Kinaiinggitan ang dalawa dahil maayos at walang problema ang kanilang relasyon. Ang wish ng kanilang fans, magkatuluyan sina Luis at Jennylyn dahil bagay na bagay sila.

Rocco walang itinatagong sikreto, ’di kagaya ng ibang aktor

Showing sa mga sinehan sa Feb. 6 ang I Luv U Pare Ko, ang gay movie na tinatampukan nina Rodjun Cruz at Rocco Nacino.

Si Rocco ang gumaganap na bading sa I Luv U Pare Ko at very effective siya. Mahusay na artista si Rocco kaya nabigyan niya ng justice ang kanyang role. Lala­king-lalaki si Rocco sa tunay na buhay kaya hindi siya afraid na mag-portray ng gay roles. Hindi siya kagaya ng ibang aktor na maraming inhibitions dahil sa mga sikreto na itinatago.

Aga tuloy sa kandidatura

Tuloy na tuloy ang pagkandidato ni Aga Muhlach sa CamSur sa 2013 at siya mismo ang nagsabi na huwag paniniwalaan ang mga kumakalat na paninira laban sa kanya.

Nilinaw ni Aga ang isyu nang mainterbyu siya sa Boracay ng TV5 reporter na si Jeff Fernando.

Sinabi ni Aga na hindi totoo ang mga tsismis dahil sure na sure ang pagtakbo niya sa congressional race sa CamSur.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANG REGAL ENTERTAINMENT

ANG SEDUCTION

DAHIL

I LUV U PARE KO

KIDLAT

LUIS

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with