^

PSN Showbiz

Ayon sa Bicolano: Aga nangunguna pa rin sa survey kahit inuulan ng demanda

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ngayong tapos na ang 2012, ang Pasko at Bagong Taon na, taon ng mga ahas na simula bukas, election naman sa May ang pagkakaabalahan ng mga tao lalo’t maraming artista ang sasabak sa pulitika.

Andiyan si Aga Muhlach na ayaw tigilan ng mga kalaban. Pero kahit anong isyu ang ibato, ayon sa isang Bicolano nanatiling malaki ang lamang ni Aga base sa mga local survey na isinasagawa sa fifth district ng Bicol.

Ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez ay nangunguna rin daw sa kanilang lugar sa Leyte. Si Goma na mayor ang sasabakan ay almost sure na, as in the bag na. Eleksiyon na lang daw talaga ang hinihintay.

Parang wala namang balita kung itutuloy ni Jinkee Pacquiao ang kanyang pagka-vice governor. Aba walang naririnig kung tuloy ang pangangampanya niya o kung nag-back out na siya. Siyempre si Cong. Manny Pacquiao ay reelectionist.

Maalalang sa last day of filing of candidacy ay humabol si Jinkee na ikinagulat ng marami.

Si Christopher de Leon ay kakandidatong congressman sa Batangas at siyempre, reelectionist sa pagka-governor si Vilma Santos doon.

Si Alfred Vargas ay kakandidato ring congressman ng fifth district ng Quezon City.

Tingnan natin kung ano ang magiging kapalaran nila sa pagpasok nila sa pulitika lalo na si Jinkee.

AiAi walang urungan sa kongreso

Speaking of pulitika, walang urungan sa pagpasok ni AiAi delas Alas. Pero hindi ngayong 2013, next year pa, malamang sa 2016. Kaya nga ‘di ba nag-aral siya sa UP para nga mag-prepare. Sa Batangas ang target ng comedy queen na kino-consi­der na reyna na rin ng Metro Manila Film Festival dahil lahat nang salihan niyang pelikula ay nagiging no. 1.

Ang Sisterakas pa rin ang nangunguna sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na one week na bukas, January 1.

Sarah naging maingay ang buhay nitong 2012

Lalarga na simula sa January 11 ang 24/SG Philippine Tour 2013 ni Sarah Geronimo.

Magsisimula ito sa Lahug, Cebu City, 8:00 p.m. Susunod sa Iligan, Isabela, 8:00 p.m. din na gaganapin sa Isabela Sports Complex.

Anyway isa si Sarah sa pinakamainit na pinag-usapan sa 2012 dahil sa kanyang 24/SG concert sa Araneta Coliseum at sa naudlot na relasyon nila ni Gerald Anderson. New year last year nang aminin ni Sarah na niregaluhan siya ng necklace ng actor at noong Christmas 2011 at pumunta pa ng bahay nila si Gerald para magbigay ng regalo sa kanya at sa parents niya.

Pero walang nangyari. Natapos ang 2012 na hindi sila nagkatuluyan.

Kinilig noon ang buong bayan sa kanila. Parang reality show na sinundan ang susunod na kabanata sa kanilang pag-iibigan pero walang nangyari.

Nagkataon pa noon na merong show si Sarah na Sarah G. Live at doon mas kinilig ang marami.

Pero common knowledge na nag-back out si Gerald sa panliligaw dahil sa balitang pagkontra ng mommy ng pop superstar sa actor na gusto kasi raw madalas na kasama sa gimikan si Sarah eh ayaw naman daw ng parents ni Sarah lalo na ang kanyang mommy Divine na ang gusto ay sa bahay na lang nila mag-usap ang dalawa.

Lumutang pa noon ang isyu na may ibang babae si Gerald kaya mas lalong lumala ang isyu.

Kamakailan humupa ang kontrobersiya sa kanila.

GMA may Win na Win sa 2013

 Sa pagtatapos ng taon, puno ng sorpresa at pasabog ang ihahatid ng Kapuso network sa Win na Win sa 2013: The GMA New Year Countdown Special na magaganap sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard sa December 31.

 Sa mga huling oras ng December 31, 2012, kaabang-abang ang mga inihandang laser lights display at laser lights manipulation na pangungunahan ng ilan sa mga kinikilalang stars ng Kapuso network.

 Magkakaroon ng isang grand showdown ng mga GMA artists na magpapatunay ng pangunguna ng GMA pagdating sa musical entertainment. Ilan sa mga performers ay sina Ryzza Mae Dizon, Chynna Ortaleza, Diva Montelaba, Down to Mars, Julian Trono, Kristoffer Martin, Vaness Del Moral, Sexbomb Dancers, Mayton Eugenio, Andrea Torres, Rocco Nacino, Temptation of Wife most-loved kontrabida Glaiza De Castro, at Sosy Problems star Bianca King kasama ang mga sikat na Kapuso singers na sina Francheska Farr, Kris Lawrence, Gian Magdangal, Julie Anne San Jose, Protégé grand winner Krizza Neri, Mark Bautista, La Diva, Janno Gibbs, at Jaya.

Siguradong kakikiligan din ang mga performances mula sa on-screen sweethearts na sina Bea Binene at Jake Vargas; Jeric Gonzales at Thea Tolentino kasama ang cast ng Teen Gen; Aljur Abrenica at Kris Bernal; Alden Richards at Louise Delos Reyes, kasama sina Mark Herras at Ynna Asistio at, Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Maki-jam na rin sa tugtugang hatid ng banding Kamikazee at sumayaw ng “gangnam style.” Kasama si Kuya Germs at Kapuso heartthrob Mark Anthony Fernandez, abangan ang isang masayang New Year’s Eve celebration.

Makaka-bonding din ng mga Kapuso stars ang mga fans at TV viewers dahil magkakaroon ng kumpetisyon para sa mga singing at dancing Kapuso wannabe’s. Mga bonggang papremyo at isang pambihirang pagkakataong makasama sa taunang new year’s countdown ng GMA. Isang segment din ang nakalaan para sa mga Kapusong may pambihirang talento—a race to fame in 60 seconds.

Magbubukas ang mga gates ng 6:00 p.m. at live telecast ng 10:30 p.m.

 

 

 

AGA MUHLACH

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANDREA TORRES

ANG SISTERAKAS

KAPUSO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PERO

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with