Sosy Problems sumipa sa takilya; Thy Womb, 13 sinehan na lang palabas
Wala pa uling ng inilalabas na figures ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kita ng walong pelikulang kasali after 5 days nang showing nito sa mga sinehan.
Pero ang balita, ang Sisterakas pa rin ang nasa unang posisyon at humahabol ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. At hindi na raw umusad pa ang Thy Womb dahil as of yesterday may nagbalita na sa 13 sinehan na lang ito palabas. Nang mag-umpisa ang MMFF noong Pasko, palabas ito sa 44 na sinehan.
Pero ang isang nakakagulat ay biglang humahabol sa No. 6 ang Sosy Problems ng GMA Films. Kung sa festival opening ay halos P3M lang ang kita nito, na-triple raw halos ito sa second day at nagtuluy-tuloy na.
Matatandaang nagkaroon ng problema ang Sosy Problems habang sinu-shooting dahil nga nakipag-break daw kay Direk Andoy Ranay ang kanyang karelasyon kaya ayun nabitin nang nabitin. Nagbakasyon daw ito kaya muntik pang mag-multa ang GMA Films ng P4.5 million.
Hindi raw (raw lang ha?), nakakasipot si Direk Andoy sa shooting kaya nagka-windang-windang ang schedule.
Napagalitan na nga raw ito ng MMFF dahil nga hindi pa tapos eh anong petsa na nun.
Kaya nang i-review ito ng MMFF jurors, DVD copy lang, ayon pa sa source.
Sayang kasi kung naging maayos pala ang shooting, malamang mas malaki pa ang kinita nila.
Kaya naman pinatanggal daw ni Direk ang pangalan niya at hindi siya nag-promote.
Si Agot Isidro ang bestfriend ni Direk na nakaramay daw nito noong panahong nagdadalamhati ang puso ng direktor.
Direk nachakahan sa pelikula ng kaibigang aktres
Hindi nagandahan ang isang director sa pelikula ng kaibigan niyang aktres. Nachakahan siya. Kaya kahit kaibigan niya ang isa sa mga bida, wa siya care hindi niya ipinapanood sa mga kakilala niya.
Samantalang kung tutuusin ay magkadikit na magkadikit sila direk at ang aktres na bida sa pelikula.
Well, ibig sabihin hindi sincere ang kanilang pagkakaibigan. O baka naman may kumpetisyon sila ng director ng aktres na kaibigan niya.
Andie parang hindi artista, isang pelikula na kasali sa MMFF pinintas-pintasan
Hindi lumaki ang ginawa ni Andie Eigenmann na pamimintas sa isang entry sa MMFF. Buti naman. Kasi naman parang hindi artista ang attitude ni Andie. Hindi porke’t nagbayad ka sa panonood ng sine, eh may karapatan ka nang mamintas at sabihing nasayang ang oras mo? The height. Parang hindi siya artista at hindi mga artista ang kanyang mga magulang. Sa pelikula siya napag-aral ng kanyang mga magulang kaya sana naghinay-hinay siya sa pamimintas.
- Latest