^

PSN Showbiz

Kabayan itatampok ang 12 pinakamahahalagang balita ng 2012

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anu-anong mga balita ang pinakatumatak at naging pinakamakabuluhan sa buhay ng mga Pi­lipino sa taong ito? â€¨â€¨Babalikan ng ABS-CBN News and Current Affairs (NCAD) ang pinakamala­laking personalidad at pangyayaring yumanig sa bansa ngayong 2012 sa isang interactive na yearend special, ang Sandosenang Balita ng 2012: Yearender ng Bayan na mapapanood ngayong Linggo (Dec 30) ng gabi.

 Pangungunahan ni ‘Kabayan’ Noli De Castro ang pagbabalik-tanaw sa top 12 na istoryang nakatanggap ng pinakamaraming boto sa isang espesyal na botohang isinagawa ng ABS-CBN NCAD team.

Mula Nobyembre 19 hanggang 29, pinapili ang mga manonood sa poll ng 12 mula sa 20 itinalang is­toryang nangyari nitong 2012.

Kabilang dito ang impeachment trial ni da­ting Chief Justice Renato Corona, ang pagpanaw nina dating DILG secretary Jesse Robredo at Comedy King Dolphy, ang pagsiklab ng tensiyon sa Scarborough Shoal, ang mga paratang ng plagiarism la­ban kay Sen. Tito Sotto, ang trahedyang hatid ng Ha­bagat at Superbagyong Pablo, ang bugbugan nina Mon Tulfo, Raymart Santiago at Claudine Barretto sa NAIA, ang framework peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front, at ang pagluklok bilang ganap na santo kay Beato Pedro Calungsod.

 Mula sa 14,519 botong nakalap, alin kaya sa mga balitang ito ang nakatanggap ng pinakamara­ming boto? Alin ang pinaka-nakaapekto sa mga Pilipino?

 

BEATO PEDRO CALUNGSOD

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CLAUDINE BARRETTO

COMEDY KING DOLPHY

JESSE ROBREDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MULA NOBYEMBRE

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NOLI DE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with