^

PSN Showbiz

AiAi walang tigil ang pasasalamat! LT niraratrat ng fans ni Marian

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Nababasa namin sa Facebook na patuloy pa rin ang pananawagan sa mga Nora­nians na suportahan nila ang Thy Womb dahil ito pa rin ang nangungulelat sa takilya sa ginaganap na Metro Manila Film Festival.

Nakakapanlumo lang dahil matino ang pelikula at nagbigay na ito ng karangalan sa ating bansa, pero hindi naman tinangkilik ng ating mga kababayan.

PAK : Naloloka na raw si Lorna Tolentino sa mga nang-aaway sa kanya sa Twitter na obviously mga fans ito ni Marian Rivera  o maaring mga Dongyanatics.

Nagri-react na sila sa magandang chemistry nina Lorna at Dingdong Dantes sa Pahiram ng Sandali.

May kilig kasi ang dalawa kahit malayo ang agwat ng kanilang edad at kapani-paniwala ang dating na nagkagustuhan na sila.

Naloloka lang si Lorna dahil ginagawa lang naman daw niya ang trabaho niya at maayos niyang nagampanan ang role niya sa naturang drama series ng GMA Telebabad.

BOOM : Walang tigil ang pasasalamat nina Kris Aquino at AiAi delas Alas sa lahat na sumuporta sa Sisterakas kaya nanguna ito sa box office ng MMFF.

Bilang patuloy na pasasalamat ni AiAi, nag-imbita ng mga kaibigan niya at ang Missionaries of Charity na lagi niyang tinutulungan na manood ng SIsterakas sa Eastwood kamakalawa ng hapon.

Natuwa ang comedian/box office queen dahil kasama niya ang mga tinutulungan niya sa natu­rang charity house na nakitawa sa kanilang pelikula.

Maraming dapat ipagpasalamat si AiAi sa Diyos kaya isa lamang iyun sa pagbabalik ng biya­yang binigay sa kanya, na napasaya niya ang mga inaalagaan ng Missionaries of Charity.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

LORNA

LORNA TOLENTINO

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MISSIONARIES OF CHARITY

NALOLOKA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with