^

PSN Showbiz

Kumpirmado: Mga programa ng TV5 io-overhaul para mabawasan ang gastos!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon nga pala ng overhaul ang mga programa ng TV5 para mabawasan ang lugi  ng network. Ito ang sinabi ni Mr. Manny Pangilinan dahil alam daw nilang matatagalan pa bago kumita ang network ayon sa report ng InterAksiyon.com.

Sinabi pa ni MVP chairman ng ABC Development Corp. na ang losses sa second half ng 2012 ay halos umabot sa P2.8 billion ayon pa sa nasabing report.

“[But] we do expect it to reduce in the coming years,” sabi niya.

Kaya pala maraming kabado sa mga alaga ng TV5. Ang balita, walang magaganap na renewal sa mga naka-kontrata sa kanilang artista.

Thy Womb inaapelang ‘wag tanggalin sa mga sinehan

Nanawagan kahapon si Direk Tikoy Aguiluz sa balitang tinanggal na sa ibang mga sinehan ang pelikulang Thy Womb na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

“LET US STOP THE CINEMAS FROM PULLING OUT THY WOMB BECAUSE OF BOX OFFICE CRAP. THIS IS A FESTIVAL AND THE FILM DESERVES A FULL RUN. THE BOX OFFICE SHOULD BE IRRELEVANT. THE MMFF IS OUR TRADE-OFF TO THE ABSENCE OF THE QUOTA SYSTEM.

“LET THE MMFF SHOW ITS BALLS AND STOP THE THEATERS FROM PULLING OUT  “THY WOMB.”

“DO NOT LIKE THIS. ACTION TAYONG LAHAT!” sabi ni Direk Tikoy sa kanyang Facebook account.

Walang official na statement ang mga sinehan sa isyu ng pull out nila ng sine ng superstar na mahinang-mahina raw at mabibilang sa daliri ang mga nanonood habang ang ibang mga sinehan na palabas ang ibang kasali sa 2012 Metro Manila Film Festival ay pila-pila at siksikan.

Maging ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay walang statement dito.

Pero nakatanggap naman ako ng statement ng MMFF tungkol sa sinasabing lamangan sa pagpapalabas ng walong pelikula sa mga sinehan. “MMDA Chairman Atty Francis Tolentino and MMFF  executive chairman Jesse Ejercito reite­rate that the assignment of  theaters to the 8 official entries is done fairly. In Metro Manila theaters are raffled. In theaters in the provinces, MMFF helps all 8 entries get theaters, but in the end it is the theater owners decision,” sabi sa statement.

Samantala, nakakaawa ang ibang fans ni Nora Aunor na bulag pa rin sa katotoha­nan. Malakas daw ang pelikula ng kanilang idolo at hindi raw totoong mawawala na sa mga sinehan.

Nakikipaghabulan daw ito sa lakas ng Siste­rakas at Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako.

Hahaha. Oki fine.

Pero kung ako sa kanila bago sila mag-text brigade sa mga nagsusulat na flop ang pelikula ni Ate Guy gumastos muna sila at manood ng sine para naman hindi ito tuluyang tanggalin sa mga sinehan.

At sa Metro Manila lang pala ito palabas. Wala raw sa mga sinehan sa probinsiya.

Anyway, dahil sa naging kapalaran ng Thy Womb talagang marami nang kung anik-anik na reaction ng fans. “Sad to say ang karamihan ng mga fans ni Ate Guy ay mga 20 years ng namayapa tulad ng aking lola, at ang mga sinehan ay parang haunted movie house dahil ang mga nanonood ay mga namayapa na, hindi sila kayang singilin sa takilya dahil di sila nakikita,” sabi ng isang one line reader ng PSN.

Kawawang Ate Guy. Bakit pa kasi isinali nila sa MMFF. Baka mas malaki-laki ang kinita nito kung nagkaroon na lang ng commercial exhibition next year.

ATE GUY

CHAIRMAN ATTY FRANCIS TOLENTINO

DEVELOPMENT CORP

DIREK TIKOY

DIREK TIKOY AGUILUZ

ENTENG KABISOTE

NORA AUNOR

SINEHAN

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with