^

PSN Showbiz

New Year Superstitions tampok sa Tropang Potchi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (December 29) sa Tropang Potchi, tatlo pang short film entries ng Potchilikula: Short Film Festival for the Kids 2012 ang mapapanood kasama ang celebrity guest na si Pekto Nacua.

Mapapanood na ang pagbisita ni Kagawad Tonyo (Pekto), isang kaibigan mula sa barangay na sobra ang paniniwala sa mga pamahiin na pambagong taon tulad ng pagsusuot ng damit na may bilugang disenyo, paghahanda ng labindalawang prutas, pagtalon sa bagong taon at marami pang iba.

Aaliwin ng tropa ang kanilang bisita sa pagpapanood ng tatlo sa mga pelikulang tampok sa Potchilikula 2012. Una na ang Pa-Kontest ni Karissa Mae Nieverra ng Navotas Elementary School kasama ang kanyang director-mentor na si Marie Jamora at ka-potchi Julian Trono. Bagong Sapatos naman ang title ng pangalawang pelikula na gawa ni Christine Abbey Esguerra ng Rincon Elementary School katulong ang director-mentor niyang si King Baco at ka-potchi Lenlen Frial. Pang-huling mapapanood ang Munting Regalo ni Venice Carla Sarmiento ng Highway Hills Integrated School kasama si Direk Pam Miras at Liane Valentino.

Ano nga ba ang masasabi ng ating mga ka-potchi sa pamahiing dala ni Kagawad Tonyo? Aba­ngan ang lahat ng ‘yan sa Tropang Potchi na mapapanood tuwing Sabado ng umaga sa GMA7.

BAGONG SAPATOS

CHRISTINE ABBEY ESGUERRA

DIREK PAM MIRAS

HIGHWAY HILLS INTEGRATED SCHOOL

JULIAN TRONO

KAGAWAD TONYO

KARISSA MAE NIEVERRA

KING BACO

LENLEN FRIAL

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with