^

PSN Showbiz

Childhaus thanksgiving party ipapalabas sa gandang Ricky Reyes Todo Na Toh

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado’y mapapanood sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh ang  isang makabuluhan at masayang pagtitipon sa bahay-tuluyan ng mga batang maysakit na Childhaus na matatagpuan sa 90 Mapang-akit Street, Diliman, Quezon City.

Isa itong pasasalamat sa mga taong walang-sawa sa pagbibigay ng tulong sa tahanang ‘yon na donasyon ni Mr. Hans Sy ng SM chain of companies. Itatampok  ang mga Ninong at Ninang ng nasabing lugar. Ipakikita rin ang mga batang nanuluyan sa CH na  ngayo’y nakauwi na sa kani-kanilang tahanan at  tinaguriang survivors at gumaling na.

Dumalo si Ninong Hans at pamilya sa thanksgiving party para personal na mamahagi ng aginaldo sa mga batang maysakit.  Bumaha ang masasarap na pagkain at nagkaroon pa ng  mga palaro.  Inaliw ng clowns, mascots at magicians ang mga bata at mga panauhing nakisaya sa pagtitipon.

Sa loob ng siyam na tao’y marami na ang inalagaan ng CH.  Ngayo’y mahigit 3,000 na ang nanuluyan dito na nakauwi sa kani-kanilang tahanan.  “Nalulungkot kami kapag may namamatay na pasyente. Pero lumiligaya kami kapag may mga umaalis dahil tapos na ang pakikibaka nila sa malubhang karamdaman,” sabi ni Mader Ricky na founder ng Childhaus.

Ang GRR-TNT ay prodyus ng ScriptoViusion at napapanood sa GMA News TV alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga tuwing Sabado.                                                           

 

BUMAHA

CHILDHAUS

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER RICKY

MR. HANS SY

NGAYONG SABADO

NINONG HANS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with