Alessandra de Rossi, Sarah Lahbati and Rafael Rossel ipagluluto si Regine
MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (December 29) sa Sarap Diva, Christmas and New Year traditions ng ibang bansa ang aalamin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid mula sa mga bisita n’yang lumaki sa abroad - Alessandra de Rossi mula Italy, Sarah Lahbati mula Switzerland at Rafael Rossel mula Norway.
Ang handa nila - authentic Italian pasta, Swiss version ng bulalo at traditional na Norwegian salmon steak. Kasabay ng pagpapasikat nila sa kinalakihang recipe mula sa ibang bansa, magkakabukingan sa mga hindi nila malilimutang selebrasyon ng pasko at bagong taon na malayo sa kulturang Pilipino.
Pag-alaala sa mga ‘di malilimutang okasyon at mga plano sa pagpasok ng isang bonggang bagong taon ang pagsasaluhan nila kasama si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa sarap ng kainan, kuwentuhan at kantahan ng Sarap Diva, 9:40 am, on GMA.
- Latest