Solenn walang panahon sa offer na dalawang pelikula sa Indonesia
Kung ipahihintulot ng kanyang napaka-tight na sked, baka makagawa ng pelikula si Solenn Heussaff sa Indonesia. Hindi isa kundi dalawang pelikula ang alok sa kanya sa nasabing bansa. Pero after Sosy Problems na sa kanya isinisisi ang pagkakabalam ng shooting na naging dahilan para iwan ito’t hindi tapusin ni Direk Andoy Ranay, hindi sure ang Fil-French actress kung makakaya niyang magsingit pa ng dalawang Indonesian movies at isang local horror.
“Hindi ako sure if my sked will permit it but I’m excited to work with new people,” anang napakaabalang artista na maituturing na isa sa pinakaseksi sa local showbiz, at ito ay sa kabila nang hindi niya pagtatanggal ng damit at pagpapakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan.
Nora Aunor pinagkakaisahan sa MMFF
Aber, napapatunayan na ng marami kung may basehan ang mga balita tungkol sa labanan na magaganap sa mga artistang gumaganap sa walong pelikula na automatically ay nominado sa MMFF awards night na ang resulta ay malalaman ngayong araw na ito.
Totoo ba na itsa-puwera na ang Thy Womb dahil naipalabas na ito sa sinahen sa Davao at requirement sa MMFF na ang lahat ng pelikulang kasali ay hindi pa napapanood kundi sa mismo Pista ng Pelikula lamang. Eh, bakit pa ito tinanggap ng komite kung hindi pala nito na-meet ang requirement nila? Dahil, wala silang nakahandang pamalit para sa mga nag-back out at hindi naka-meet ng deadline?
Is this the reason too kung bakit dini-discriminate nila sa pagka-Best Actress si Nora Aunor. Eh, ano kung llyamado ito? Baka naman iba ang standards ng mga judges ngayon, pero hindi dapat iniitsa-pwera ang superstar at ang movie niya.
Kailangan…handa nang ipalabas
Ipalalabas na sa Enero 21, 2013 (Lunes) ang pinakaaabangang bagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw starring Queen of All Media Kris Aquino, Box-Office Queen Anne Curtis at ng Idolo ng Masa na si Robin Padilla.
Iikot ang kuwento ng Kailangan Ko’y Ikaw sa buhay ng tatlong taong nagmamahalan--ang matapang na pulis na si Bogs (Padilla), ang diyosang ramp model na si Ruth (Anne), at ang kapatid ni Ruth na si Roxanne (Kris) na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya. Paano pag-uugnayin ng tadhana ang buhay ng tatlong may kani-kaniyang ipinaglalaban? Anong gagawin mo kung ang kapatid mo ang piniling pakasalan ng kaisa-isang lalaking minahal mo?
Divine Lee lumabas na nagsinungaling
Hindi ikinatuwa ni Divine Lee ang pagdi-deny ni Baron Geisler na paghalik sa kanya sa MVP Ball last Dec. 17. Naintindihan na nga raw niya na may sakit si Baron at kailangang intindihin, pero ang palabasin pa siyang sinungaling ay lalong hindi naman daw tama. Hindi lamang si Divine ang napabalitang binastos ng aktor kundi ilan pa ring kasamahan nila sa TV5.
Hindi naman daw siya nahalikan sa lips ni Baron at tumama lang sa kanyang cheek ang beso nito.
“Siyempre, umiwas ako, may dyowa ako, no! Pero from here (her cheek), medyo may laway pa nga eh kasi nakabuka ‘yung lips niya,” kuwento pa ni Divine.
After that ay nag-tweet daw si IC ng “dear character actor, consume the alcohol, don’t let it consume you. Walang natuwa sa ‘yo,” hanggang sa kumalat na nga raw ang balita.
Pero may lumabas na interview si Baron denying the incidents at aniya, sinisiraan lang daw siya ng mga kasamahang artista.
- Latest