Aljur at Kylie, nagliwaliw sa Sagada
Magkasamang nagbakasyon sa Baguio sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, batay na rin sa pictures na pinost nila sa Twitter at Instagram accounts nila. Naunang nag-post si Aljur sa Twitter/Instagram ng picture na kuha niya sa Sagada, tombstone at sumunod na na-post nito’y picture niya kasama ang dalawang aso, ang dati nilang aso at bagong bili niyang aso para sa kanyang kapatid.
Nag-post din si Kylie ng kuha naman niya sa Sagada at pinost din ang picture ni Aljur with the two dogs at ang caption ay “Ang cute nila.” Para siguro ‘di mahalata, hanggang bibig lang ni Aljur ang picture at focus sa two dogs.
Pero kung gaya naming nakita ang unang post ni Aljur, malalaman kung saan galing at kung sino ang nasa litrato. Saka, naalala namin, favorite place ni Kylie ang Baguio at Sagada at doon nagpunta ang aktor.
Naalala rin naming sa Christmas party for the press ni Aljur nito ibinalitang bibiyahe siya sa North, sa Baguio pala ‘yun. Nang tanungin kung kasama niya si Kylie, “puwede” ang isinagot. ‘Yun pala’y puwedeng-puwede!
Aktor 3 Long Champ bag ang regalo sa ex
Lumipas na ang Pasko, curious kami kung nagbatian ng Merry Christmas ang ex-showbiz couple na kilala namin. Ex dahil kahit hindi sila umamin sa kanilang relasyon, break na sila sa rasong hindi nila sinasabi at hindi sasabihin dahil hindi nga nila inaming nagkarelasyon sila.
Naalala namin, last Christmas, tatlong Long Champ bag ang Christmas gift ng aktor sa aktres na lubos na ikinatuwa ng aktres. Tsika nito sa amin, pagpapalit-palitin niyang gamitin ang three bags.
Medyo mahal din ang Long Champ. This year kaya naisip pa ng aktor na regaluhan ang aktres kahit wala na sila? Nanghinayang kami sa relasyon ng dalawa’t bagay sila at they compliment at feeling namin, may kinalaman ang career ng aktor sa kanilang break-up.
Dahil break na nga, hindi na masa-cite ng press ang dalawa na umiikot sa Tomas Morato at iniisa-isa ang restos at naging tambay din sila sa Bubble Tea, Milk Tea, and anything na may tea.
Mga kilos ni Bea, bantay-sarado sa maninira
May taong patuloy na naninira kay Bea Binene at tila ang young actress lang ang binabantayan at ‘pag may bago siyang isyu, agad itini-text sa press. Ang latest na tinext ng taong ayaw magpakilala’y, ipinatitigil na ni Atty. Felipe Gozon ang Cielo de Angelina, kaya hanggang eight weeks lang ang morning soap.
Nag-react ang head writer ng soap, sinagot ang nag-text na mali ang information niya dahil ang sinusulat niyang script ay lagpas na sa eight weeks. Na-point out din ng headwriter na GMA Films ang producer ng Cielo de Angelina at hindi ang GMA 7.
Hindi na sumagot ang nag-text na may galit kay Bea sa reaction ng headwriter.
Alabang Housewives susugalan ng TV5
Mauuna pa yatang sisikat ang Alabang Housewives na sumali at natalo sa The Amazing Race Philippines na sina Pamela Spella at Vanessa Ishitani kesa winners na sina LJ Moreno at CJ Jaravata. Susugalan ng TV5 ang Alabang Housewives, bibigyan sila ng show sa pagpasok ng Bagong Taon.
Kakaibang reality show ang pagbibidahan nina Pamela at Vanessa with different celebrities as their guests. May weekly tasks na gagawin ang dalawa sa wala pang title na reality show.
Ang katuwiran ng TV5, kahit hindi sina Pamela at Vanessa ang nanalo sa TARPh, marami ang natuwa at naaliw sa pagka-candid ng magkaibigan. May fans club at maraming supporters ang dalawa na dumating sa Fans Day ng TARPh na ginawa kamakailan.
- Latest