Regine hindi pababayaang mawala ang titulo
Nawalan lang ng boses si Regine Velasquez, binabawi na ang Asia’s Songbird title niya? Isang beses lang na magkaroon ng ’di natuloy na concert, kung anu-ano ng pamimintas ang tinatanggap niya.
Hintayin na lang natin ang concert ni Regine sa January at saka natin sabihin na hindi na niya K na dalhin ang titulo niya. Baka nga mapahiya sila dahil sigurado ako na pagagandahin ni Regine ang palabas niya, hindi lamang sa konsepto kundi lalo na sa performance. Ang tagal na niyang nagsyu-show, ngayon pa ba tayo mawawalan ng tiwala sa kanya?
Sen. Jinggoy at JV magandang pamasko ang pagbabati
Sayang at hindi natuloy ang balak ni Sen. Jinggoy Estrada na gumawa ng pelikula kasama si Eugene Domingo. Hindi siya nakakawala sa marami niyang trabaho sa Senado. Pero sigurado ako, hahanap at hahanap siya ng paraan para pagbigyan ang kanyang pagkagiliw bilang aktor.
At sana dahil Pasko, tuluyan na nilang kalimutan ng kanyang kapatid na si JV Ejercito ang kanilang alitan at magbati na. Mapapaligaya nila ng husto ang kanilang ama.
Sisterakas nire-request ng marami
Ang dami-raming humihingi sa akin ng passes para sa Sisterakas. Indikasyon kaya itong magiging malakas ang laban ng pelikula ng kabilang istasyon sa pelikula na sinosyohan naman ng GMA Films na nagtatampok kina Sen. Bong Revilla, Jr., Bossing Vic Sotto, at Judy Ann Santos?
Nagsimula na ang filmfest kahapon at bukas makakakuha na tayo ng resulta sa box office. Kahit matagal pa bago matapos ang taunang Pista ng Pelikula, mapagbabasehan na ang magiging resulta bukas sa tatlong araw na pagpapalabas ng mga pelikula. Wait lang kayo.
Grado ng filmfest entries posibleng pagbasehan ng pipila
Kung ang pagbabasehan ay ang grado na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB), dapat panoorin ang El Presidente, Thy Womb, One More Try, at Shake, Rattle, & Roll: The Invasion. Hindi magbibigay ng gradong A ang CEB kung hindi maganda ang dalawang pelikula.
Ang Sisterakas naman at Si Agimat, si Enteng, at si Ako ay naka-B.
- Latest