Bimby bini-brainwash si Joshua na ’wag pumayag magkaroon ng sister!
Sa pagpunta nina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby sa Las Vegas, Nevada, USA nanawagan ito sa mga Pinoy na makakakita at makasasalubong nila na ’wag siyang yayakapin, lalo na kung lalaki, dahil nagseselos si Bimby. Sobrang seloso raw ang anak at ang favorite line nito ’pag nagseselos ay “I’ll die” at “It breaks my heart.”
Sa sinabi ni Kris na kailangan nilang mag-pretend na sweet ni Robin Padilla sa soap nilang Kailangan Ko’y Ikaw, sabi raw ni Bimby, hindi nila kailangang mag-pretend at ipapa-kidnap nito si Robin. Nagalit din ang bata nang makipagbeso siya kay David Callum.
Bini-brainwash din ni Bimby si Joshua na ‘wag papayag na magkaroon sila ng baby sister dahil makakalimutan sila ni Kris ’pag may baby sister na sila at lalabas pa sa TV ang baby sister nila. ’Kaloka ang bagets, ang galing gumawa ng script!
Samantala, after Sisterakas, ang soap nila nina Robin at Anne Curtis na pilot sa Jan. 21 ang ipino-promote ni Kris.
Sen. Bong nawiwili na sa malaking teleserye
Sa Jan. 4 ang presscon ng Indio, ang epic serye ni Sen. Bong Revilla, Jr. na sobrang ipinagmamalaki nito. Balak daw ng GMA 7 ng isang mala-movie premiere na presscon/premiere, tingnan natin kung masusunod. Dapat namang malaki ang presscon ng Indio dahil first teleserye ito ni Bong at maganda ang experience niya.
Kung dati sinasabi ni Bong na first and last teleserye niya ang Indio, ngayon iba na ang sagot. Titingnan daw niya kung makakaya ng kanyang schedule ang muling gumawa ng teleserye. Bilib ito sa husay ng direktor na si Dondon Santos at sa ganda ng story na mula sa panulat ni Suzette Doctolero.
“I’m very, very happy with Indio. 1550 to 1600 ang setting nito, si Indio ay half-human at half-diwata. Sobrang malaki siya kaya tuwang-tuwa ako sa suporta ng GMA 7. Twenty weeks ang takbo namin, tingnan na lang natin kung mai-extend pa. Biggest project ko ito sa TV, I’m looking forward sa airing,” sabi ni Bong.
Samantala, bukas na ang awards night ng 2012 MMFF, tingnan natin kung anong awards ang mapapanalunan ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako na isa ring big project para kay Bong.
Bianca walang binanggit na nega ngayong taon
Wala pang next project si Bianca King after Luna Blanca pero gaya nina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos, wish nitong magkaroon ng sitcom ang Sosy Problems at sila rin ang bida siyempre. Marami pa raw puwedeng ipakita ang pelikula.
Nag-enjoy ang apat to be working together for the first time at sabi nga ni Heart, kung dati ay sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi lang ang friends niya, ngayon ay nadagdagan nina Rhian, Solenn, at Bianca.
Aalis si Bianca, dadalawin ang parents niya sa Canada. Hindi pa lang nito matiyak kung kailan dahil hinihintay ang tawag ng PAL. Hindi rin niya alam kung kailan ang balik niya, hindi siya magmamadali dahil wala pa siyang regular show.
Ang soaps na Broken Vow at Luna Blanca at pelikulang Sosy Problems ang pinakamagandang nangyari kay Bianca this year. Sorry, wala siyang binanggit na hindi magandang nangyari sa kanya this year.
“This year is better than last year and I know the new year will be better than this year,” napaka-positive nitong pahayag.
‘Anak’ nina Dingdong at Angel nag-iiba kapag nasa harap ng camera
Ang cute-cute ng batang lalaki na gumaganap na anak nina Dingdong Dantes at Angel Locsin sa One More Try at kuwento ni Direk Ruel Bayani, mukha talagang may sakit ang bagets at hindi na kailangang makeup-an o paartehing may sakit.
Bago sa pag-arte si Miguel Vergara, hindi pa lumalabas sa TV, wala ring commercial, at napili lang mula sa close to 100 kids na nag-audition. Bumagay sa bata ang hinahanap niyang fragile at vulnerable ang hitsura.
Mahiyain daw si Miguel, nagtatago sa likod ng ina, pero nagbabago ‘pag nasa harap na ng camera. Ang karakter ni Miguel ang magiging sentro ng conflict ng mga karakter nina Dingdong at Angel Locsin, Dingdong at Angelica Panganiban, at Angel at Zanjoe Marudo.
- Latest