Arnel Pineda, mamamasko kay Sarah G.
MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na world tour ng bandang Journey, mamamasko naman ngayong Linggo (Disyembre 23) ang frontman nito at Pinoy pride na si Arnel Pineda sa Christmas episode ng solo musical-variety show ni Popstar Sarah Geronimo na Sarah G. Live!”
Bukod kay Arnel, abangan din ngayong Linggo ang espesyal na duet ni Sarah kasama ang kanyang minamahal na ama na si Daddy Delfin; ang Christmas treat ng mother and daughter na sina Kuh Ledesma at Isabella Gonzales; at ang pagbisita ng Brazilian models na sina Hideo Muraoka at Daniel Matsunaga na magiging guest co-hosts ng Popstar.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon sa SGL sa back-to-back smash-up dance number ng celebrity siblings na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto, at Gab at Kiana Valenciano. Ito ay susundan ng cute na cute na production number ng Kapamilya child stars na sina Belle Mariano, Clarence Delgado, Angelo Garcia, at Amy Nobleza.
Kasama rin ni Sarah ngayong Linggo ang It’s Showtime Bida Kapamilya grand winners na Gollayan Sisters. Huwag palampasin ang Christmas episode ng trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, Sarah G. Live, 8:15 p.m., pagkatapos ng Rated K.
- Latest