^

PSN Showbiz

Mga kalaban ng Agimat ipinagdasal din ni Lani!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Successful ang premiere night ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako sa SM Megamall Cinemas noong Huwebes.

Dinumog ng fans sina Vic Sotto, Judy Ann Santos at Senator Bong Revilla, Jr.

Ang sey ng aking spy, na-triple ang dami ng mga tao sa SM Megamall dahil sa mga nag-abang sa pagdating ng mga artista ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Hindi lamang ang stars ng pelikula ang dumating sa premiere night dahil sumuporta rin sina Ryan Agoncillo, ang madir ni Judy Ann, ang mga anak at kapatid ni Bossing Vic.

Siyempre, in full force din ang pamilya ni Bong na always present sa lahat ng activities ng actor/politician.

Si House Representative Lani Mercado ang nanguna sa opening prayer. Marami ang na-in love sa dasal na ginawa ni Lani dahil hindi niya nalimutan na isama ang mga kababayan natin sa Mindanao na naging biktima ni Super Typhoon Pablo.

Pinuri ang well-written prayer ni Lani dahil hindi lamang ang tagumpay sa box office ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ang kanyang ipinagdasal kay God. Nagdasal siya na tangkilikin ang lahat ng mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2012.

Ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ang hinuhulaan na magiging number one sa takilya sa pagsisimula ng MMFF sa December 25.

Ang sabi ng mga nagpunta sa premiere night, pang-bagets ang pelikula nina Bossing, Vic, at Juday. Ang Pasko ay para sa mga bata kaya 100 % na uunahin nila na panoorin ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Magugustuhan daw ng mga bagets ang bonggang special effects na ginamit sa pinakahihintay na pelikula nina Bossing, Judy Ann, at Bong.

Heart, Solenn, Rhian, at Bianca wala nang pahinga

Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Sosy Problems sa Cinema 5 ng SM Megamall.

Mula sa presscon ng Sosy Problems sa GMA Network Center, didiretso ang mga artista ng pelikula sa premiere night. Sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Bianca King ang mga bida sa Sosy Problems.

Malalaman ngayon sa presscon ng pelikula kung sino sa kanilang apat ang tunay na sosyal at mga nagpapanggap na sosyal sa tunay na buhay.

Wala nang pahinga ang mga artista ng Sosy Problems dahil pagkatapos ng magkasunod na presscon at premiere night, rarampa sila bukas sa Roxas Boulevard para sa Annual Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival na dinarayo ng mga tao mula sa malalayong lugar na sabik na makita sa personal ang kanilang favorite stars.

Live na mapapanood sa Hot TV ng GMA 7 ang Parade of Stars. Puwede nang manood  sa telebisyon sa kanilang mga tahanan ang mga kababayan natin na ayaw nang lumabas ng bahay dahil isinusumpa nila ang horrible traffic situation sa Metro Manila tuwing sumasapit ang Pasko.

Mga alaga ng ALV, abalang-abala

Umaga na nang mabasa ko ang imbitasyon kahapon para sa Christmas party ng ALV Talents ng talent manager na si Arnold Vegafria.

Anyway, pumunta ako sa Christmas party ng ALV Talents, itsurang si Arnold lamang ang nandoon dahil wala ang kanyang mga alaga. Hindi nakarating si Carla Abellana dahil may out-of-town show siya.  Hindi ko na inalam ang appointments ng ibang mga alaga ni Arnold dahil siguradong busy rin sila.

Pinasalamatan ni Arnold ang entertainment press sa suporta sa  kanyang mga alaga. Nag-enjoy ang lahat kaya very thankful din sila kay Arnold.

 

vuukle comment

ANG PASKO

ANG SI AGIMAT

ANNUAL PARADE OF STARS

DAHIL

ENTENG KABISOTE

JUDY ANN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SI AGIMAT

SOSY PROBLEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with