^

PSN Showbiz

Camille member ng Philippine Volcanoes ang ipinalit sa asawang namatay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Personal na nakiusap si Sen. Bong Revilla sa movie press na tulungan naman daw sana ang anak niyang si Gianna sa pagpasok nito sa showbiz.

Nakikita raw niya kasi na nag-enjoy nang husto ang bata nang napasali ito sa bagong youth-oriented show ng GMA 7 na Teen Gen.

Pero kailangang maging priority pa rin ang pag-aaral nito. Kaya pag exam week nito hindi siya puwedeng mag-taping o pumunta sa ilang events ng grupo.

Pero ang mahigpit na ipinagbabawal ni Sen. Bong ay ang magpaligaw.

Bawal na bawal daw talagang tumanggap ng manliligaw ang anak niya kaya pinapabantayan niya talaga ito.           

Minsan nga ay si Bryan Revilla pa ang nagbabantay sa kanya, para matiyak lang na hindi ito mapormahan ng mga boys.

PAK: Nataranta si Bela Padilla nang tinanong ito kung sino kina Dion Ignacio at Pancho Magno ang masarap humalik sa Magdalena.

Parehong in love ang dalawa sa karakter na ginagampanan ni Bela na si Lena kaya may kissing scene sila na magkaiba lang daw ang intensity.

Sabi ni Bela, medyo kampante na raw si Dion sa kanya kaya relaxed lang ito sa halikan. Hindi kagaya ni Pancho na nararamdaman daw niya talagang natataranta ito.

First screen kiss pa raw ni Pancho sa Magdalena kaya inaalalayan na lang daw ni Bela dahil inaamin naman daw talaga sa kanya ni Pancho na takot na takot ito sa eksenang iyun.

BOOM: Inamin ni Camille Prats na nakikipag-date na raw siya ngayon. Nali-link siya ngayon sa isang miyembro ng Philippine Volcanoes pero ayaw niyang sabihin kung sino.

Nagkakilala sila nang mag-guest ito sa Mars at ang sumunod ay may communication na raw sila.           

Kahit anong pilit namin, ayaw niya talagang sabihin kung sino. Pero rumampa daw ito sa Bench Universe, kaya nandun siya para panoorin ito.

Hanggang dating pa lang naman daw, pero inaamin niyang special itong taong ito para sa kanya.

                                 

vuukle comment

BELA PADILLA

BENCH UNIVERSE

BONG REVILLA

BRYAN REVILLA

CAMILLE PRATS

DAW

PANCHO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with