Short films ng 7 finalists sa Tropang Potchi Potchilikula mapapanood na
MANILA, Philippines - Noong Sabado (Dec. 8), sinimulan na ng Tropang Potchi ang unang bahagi ng Potchilikula: Short Film Festival for Kids 2012 sa pamamagitan ng isang filmmaking workshop na ginanap sa Studio 1, GMA Network Center.
Layon ng kumpetisyon na maghanap ng mga batang filmmaker at mabigyan sila ng pagkakataong makagawa ng sarili nilang pelikula gamit ang mga smartphone. Apatnapu’t tatlong (43) estudyanteng sampu hanggang labindalawang taong gulang mula sa elementary schools sa Mega Manila ang sumali sa workshop kasama ang buong cast ng Tropang Potchi. Nalaman nila ang basics sa paggawa ng pelikula mula sa mga direktor na sina Manny Angeles at JK Anicoche.
Lalong naging exciting ang workshop dahil nakita rin nila ang Tropang Potchi tambayan. Sinimulan ni JK Anicoche, creative director ng Sipat Lawin Ensemble (Theater Group), ang workshop sa isang group activity na tumatalakay sa imahinasyon. Ipinapakita nito ang thinking process sa likod ng paggawa ng pelikula.
Si Direk Manny naman ay ibinahagi ang kanyang mga karanasan kung paano kumuha ng balita sa lansangan pati na rin ang mga commercial na kanyang ginawa. Tinuruan din niya ang mga estudyante ng basics ng filmmaking — conceptualizing, creating a storyboard, visual treatments, film as a medium and ways to use smartphones to achieve different kinds of camera shots.
Ilang group activites pa ang ginawa ng mga workshopper. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang kumpetisyon na nagpa-excite at nagpakaba sa lahat. Kitang-kita na lahat ay gustong mapili nang sabihan sila na magsulat ng narrative, o gumawa ng script o ’di kaya nama’y gumuhit ng storyboard tungkol sa topic na “Ano ang nagpapasaya sa isang batang Pinoy?” sa loob ng isa’t kalahating oras.
Pito (7) sa mga kinikilala at award-winning na mga direktor ang bumasa at sumala sa mga likha ng mga estudyante. Kabilang sa mga direktor ay sina Ray Gibraltar (Tiangge), Ogi Sugatan (Saglit), Gino Santos (The Animals), Marie Jamora (Ang Nawawala), King Baco (Unsilenced), Pam Miras (‘Wag Kang Lilingon), at Gino Jose (Sa Kanilang Pagbangon).
Matapos basahin at markahan ang lahat ng entries kasama ang tulong isang FDA representative, pito (7) ang napili na magiging bahagi ng kumpetisyon. Bawat finalist ay ipapareha sa isa sa pitong direktor na magsisilbing mentor at isa na mula sa cast ng Tropang Potchi.
Lahat ng pitong estudyante ay bibigyan ng smartphone na kanilang gagamitin sa paggawa ng pelikula at ie-edit upang maging isang two-minute short film na ipapalabas sa Tropang Potchi tuwing Sabado simula Dec. 22.
Ang mga pelikula ay ia-upload din sa official Facebook fan page ng Tropang Potchi para sa online voting na magiging bahagi sa overall criteria for judging. Kabilang sa mga magiging judge sa kumpetisyon ay ang esteemed director Brillante Mendoza, Columbia Candies officers, GMA 7 executives, at ang GMA award-winning director na si Louie Ignacio at iba pa. Ang mananalong pelikula ay magkakamit ng cash prize para sa participant at ang kanyang school.
Nakikilala na ang pitong finalists noong Sabado,.
- Latest