^

PSN Showbiz

Ewww Enchong nagtatrabaho nang ’di naliligo­

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahit nahirapan at pinapangit siya sa The Stran­gers, masaya si Enchong Dee na mapasama sa nasabing pelikula, his first sa filmfest. Umuuwi siyang pagod na pagod pero nakangiti dahil alam niyang magandang pelikula ang ginagawa niya at magugustuhan ng mahihilig sa horror movies.

Almost six pounds ang nawala kay Enchong habang nagsyu-shooting dahil sa hirap ng mga eksena niya. Nilagyan siya ng facial hair at kailangang magmukhang mabaho at hindi naliligo at para mas magampanan ang kanyang role, may araw na nagre-report siya sa shooting ng hindi naliligo.

Sa tanong kung may laban sila sa ibang entries, ang sagot ni Enchong ay “ginalingan ko naman.”

Box-office wise, hindi sila nakikipag-compete sa ibang movies. Matutuwa ang buong cast kung kumita ang pelikula, pero kung hindi, at least na-experience nilang maging part ng entries.

Si Lawrence Fajardo ang director ng The Strangers, favorite siya ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na producer ng movie together with MJM Productions.

HERBERT NATARANTA SA INTERVIEW

’Katuwa si Quezon City Mayor Herbert Bautista, first time niyang marami ang nag-interview at nangyari ito sa  Christmas party niya for the entertainment press at nagsilbi na ring presscon niya para sa Pamana episode ng Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion. Kita nga ang pagkalito nito dahil hindi alam kung kaninong microphone ng ABS-CBN, TV5, at GMA 7 haharap. Hehehe!

Kuwento nito, masarap ang feeling na muling umarte at ang payo sa kanya ni Direk Chito Roῆo gawin lang ang natural at hindi siya magkakamali.

Dahil sa Shake, Rattle & Roll, mukhang naengganyo uli si Herbert na balikan ang pelikula. Ibi­nalita nitong may pinag-uusapan sila ni Roderick Paulate, isang magandang material na pagsasamahan nilang dalawa. Hindi pa lang siya tiyak kung ipapasok sa indie film o gagawin nilang mainstream movie ang kino-conceptualize na material.

Sinabi na ni Herbert na malabo siyang manalong best actor dahil pawang magagaling ang kalaban niya at siya ay ngayon lang bumalik. Mahirap na maulit ang nangyari nang gawin niya ang original na Shake… na nagpanalo sa kanyang best actor.

John Lapus itinaya ang rasyon ng sex sa kapalaran ng Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako

Seryoso si John Lapus sa sinabing mag-a-abs­tinence siya sa sex for two weeks ’pag nag-number one ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. Pero dahil naniniwala siyang magna-number one sa takilya ang pelikula nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto na kasama siya, baka hindi matuloy ang two weeks na pag-iwas niyang makipag-sex.

First time raw magkasama sa pelikula sina Bong, Vic, at Judy Ann Santos at hindi ito palalampasin ng tao. Naniniwala rin siyang malaki ang hatak ng iba pang kasama nila sa pelikula lalo na si Ryzza Mae Dizon na inangking kanya ang pelikula.                                                                              

Samantala, kukuha si John ng one-on-one workshop kay Eugene Domin­go bilang paghahanda sa launching movie niya sa Viva Films na Girl Boy Bakla Tomboy. Apat na karakter ang gagampanan niya at aminadong ang role ng bakla ang kayang-kaya niyang gawin. Magpapatulong siya kay Eugene sa role ng girl boy at tomboy.

Wish nitong makasama sa movie si Rufa Mae Quinto at kung ibibigay ng Viva Films, sa role niyang Boy, si Dingdong Dantes na may kontrata sa Viva Films ang gustong makapareha. Sa role ng bakla, ang gusto lang niya ay aktor na papayag makipag-kissing scene sa kanya.

Anyway, tuwang-tuwa si Sweet sa warm welcome sa kanya ng mga kaibigan sa ABS-CBN. Noong isang gabi, may welcome dinner para sa kanya si Deo Endrinal. Kasama si Sweet sa cast ng Kahit Konting Pagtingin, laun­ching ni Angeline Quinto at leading men sina Paulo Avelino at Sam Milby.

ANGELINE QUINTO

JOHN LAPUS

NIYA

PELIKULA

SI AKO

SI ENTENG KABISOTE

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with