Gawing meri ang Krismas!
Abot-kamay na natin ang Pasko. Nabili na ba natin ang mga dapat nating mabili? Kung may natira kahit na maliit ay baka gusto n’yong i-share sa mga nabiktima ni Pablo. Para naman kahit paano ay madama nila ang diwa ng Kapaskuhan. Lalo na dun sa mga nawalan ng mahal sa buhay. Napakahirap tanggapin na hindi lamang materyal na bagay ang nawala sa atin. Kinuha pa rin sa atin ang mga mahal natin, sa isang panahon na dapat ay masaya at magkakasama tayong magpapamilya.
Let us share Christmas with them. Ipadama natin sa kanila na we care. And we are here to hell them. Let’s all have a blessed Christmas.
JM kailangan ng tulong
Kung totoo ang hindi magandang balita kay JM de Guzman, tulungan din natin siya. He needs a friend, a family na puwedeng gumabay sa kanya, sa oras na ito ng pagiging magulo ng kanyang isip. Pero kung kathang isip lamang pala ang ibinibintang sa kanya, maghunos dili kayo sa pagbibintang at tangkang pagsira sa kanyang personalidad. Hindi pa naman huli kung totoong nagkaron na siya ng attitude. Be a friend and help him find his way back home.
Sarah pinagbibintangang nandidiri kay Hayden
Mali naman siguro ‘yung salitang diring-diri si Sarah Geronimo kay Hayden Kho. Baka talaga lang ‘di niya ma-feel na ma-link dito. Hindi naman garapal ang pag-uugali ng Pop Princess para magpamalas ng ganitong kagaspangan sa isang naging guest niya sa show niya at ex pa ni Dra. Vicki Belo, may ari ng iniendorso niyang klinika at produkto. Hindi na nga siya nagkokomento, napagbibintangan pa siya.
Donaire biglang bumango sa mga Pinoy
Nakatuon ngayon kay Donito Donaire ang pansin ng mga Pinoy. Ito ang bago nilang idolo. Pero hindi ibig sabihin ay kinalimutan na nila si Manny Pacquiao. Kapag nakabawi ito ay babalikan din nila. Tsk. Tsk. Tsk. Hindi lamang naman ang mga Pilipino ang may ganitong pag-uugali. Lahat ng tao ay ganito. Dun tayo sa the latest, ‘yung sikat, ‘yung panalo.
- Latest