^

PSN Showbiz

Pinilit lang daw siya, hindi pala bukal sa loob ang ipinamigay Vice Ganda tuloy ang panunumbat kay Kris nang ipina-raffle ang P100,000!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: May balita na sinumbatan pa rin ni Vice Ganda si Kris Aquino nang magkita sila sa set ng Sisterakas dahil pinilit siya ng aktres na magpa-raffle ng pera sa presscon ng kanilang pelikula.

SCENE: Hindi totoo na may benefit concert si Michael V. at ang cast ng Pepito Manaloto sa Phi­lip­pine International Convention Center (PICC) sa Dec. 20. Adriel Langit ang pangalan ng tao na nag-post sa Facebook ng fake concert ni Michael V.

SEEN: Ngayon ang 34th birthday ni Congressman Manny Pacquiao at tulad ng nakagawian, ipagdiriwang niya ang kaarawan sa General Santos City.

SCENE: Eleven thirty ng morning ang bagong timeslot ng Eat Bulaga tuwing Sabado at nag-umpisa ito noong Dec. 15.

SEEN: Lumipad sa Amerika si Venus Raj para suportahan ang pagsali ni Janine Tugonon sa Miss Universe 2012. Si Jonas Gaffud ang manager nina Venus, Shamcey Supsup, at Janine.

SCENE: Hindi totoo na papasok sa pulitika si Dina Bonnevie dahil hindi naman siya nag-file ng certificate of candidacy noong October. Sinusuportahan lamang ni Dina ang political career ng kanyang asawa, si Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano.

SEEN: Kinukuyog sa social media ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo si Jed Madela dahil sa Instagram post nito tungkol sa pagkain na naiwan ng young actor sa kanilang dressing room.

Inalis na ni Jed ang litrato sa kanyang Instagram account ngunit patuloy ang mga below-the-belt na pagkutya ng fans nina Daniel at Kathryn sa pagkatao ng chubby singer.

SCENE: Ngayon ang pilot telecast ng MMK Klasiks, ang mga hindi malilimutan na episodes ng Maalaala Mo Kaya, ang longest running drama anthology ng ABS-CBN. Mapapanood ang MMK Klasiks pagkatapos ng It’s Showtime.

ADRIEL LANGIT

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DANIEL PADILLA

DINA BONNEVIE

EAT BULAGA

GENERAL SANTOS CITY

ILOCOS SUR VICE GOVERNOR

INSTAGRAM

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with