Eddie Garcia dineklarang Best Actor sa Asia Pacific Film Festival
Congrats muna kay Eddie Garcia dahil nag-win siya ng best actor trophy sa Asia Pacific Film Festival.
Ang acting ni Papa Eddie sa Bwakaw ang nagpanalo sa kanya sa filmfest na idinaos sa Macau.
Critically-acclaimed movie ang Bwakaw na unang ipinalabas sa Cinemalaya Independent Film Festival noong July. Nanalo na ng maraming karangalan ang pelikula ni Papa Eddie pero hoping ang mga Pinoy na maging official nominee ang Bwakaw sa best foreign language film ng Academy Awards sa 2013. Magaganda ang reviews sa Bwakaw at sa acting ni Papa Eddie. Sana nga, makalusot sa Oscars ang pelikula na tunay na maipagmamalaki ng mga Pinoy.
El Presidente tuloy ang premiere night
Tuloy bukas ang premiere night ng El Presidente sa Mall of Asia Cinema. May mga kasabay na showbiz event ang premiere night ng filmfest movie ni Laguna Gov. ER Ejercito kaya tuliro ang entertainment press. Gusto nila na mapanood ang El Presidente pero may conflict sa kanilang mga busy schedule.
Maganda ang trailer ng El Presidente na isa sa mga hinuhulaan na maghahakot ng karangalan sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2012. Co-stars ni ER sa El Presidente sina Christopher de Leon, Cesar Montano, at Nora Aunor.
Julia Masipag magbanggit ng the strangers
Bukas din ang imbitasyon ni Atty. Joji Alonso para sa red carpet premiere ng The Strangers, ang official entry ng Quantum Films at MJM Productions.
Si Atty. Joji ang producer ng pelikula na pinagbibidahan nina Enchong Dee, JM de Guzman, Enrique Gil, at Julia Montes.
Hindi nakalimutan ni Julia na banggitin sa presscon ni Congressman Sonny Angara ang pelikula niya na kasali sa Metro Manila Film Festival. Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang The Strangers ang unang full-length movie ni Julia na official entry sa MMFF kaya excited siya sa Parade of Stars na magaganap sa Linggo, Dec. 23, sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila City.
Shalani mas pinapaboran kesa sa pumalit sa kanya
Natuloy noong nakaraang linggo ang taping ni Shalani Soledad-Romulo para sa Christmas special ng Wil Time Bigtime.
Tuwang-tuwa ang production staff ng Wil Time Bigtime dahil muli nilang nakasama ang dating co-host ng kanilang game show.
Dahil sa pag-apir ni Shalani, hindi naiwasan na ikumpara sa kanya si Grace Lee na ex-girlfriend din ni P-Noy at co-host na rin ng game show ni Willie Revillame. Siyempre, pabor kay Shalani ang lahat ng mga opinyon at hindi n’yo na kailangan na magtanong kung bakit.
Pagsanjan magiging abala sa Indio
Sa Pagsanjan, Laguna ang taping ng Indio, ang epic serye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Kung natatandaan ninyo, kinunan din sa Pagsanjan ang mga eksena ng Amaya, ang successful primetime show ni Marian Rivera.
Ang Indio ang ipapalit sa timeslot ng Aso ni San Roque. Mag-uumpisa sa January ang Indio at ito ang panggulat ng GMA 7 sa pagpasok ng bagong taon. Matagal na pinagplanuhan at pinaghandaan ng Kapuso Network management ang kauna-unahang primetime series ni Bong.
- Latest