Manny walang pinakikinggan, bingi sa mga sinasabi ni Mommy D!
Galit pala si Mommy Dionisia Pacquiao dahil hindi niya mapahinto ng boksing si Manny. At kahit kuha pa niya ang suporta ng buo niyang angkan, the decision will come from Manny. Sinabi nitong hindi pa siya nakahandang magretiro kaya wala silang magagawa kundi ang suportahan ang desisyon nito.
Pag-usapan na lang nilang mag-ina. At igalang niya kung anuman ang mapagkasunduan nila. After all, it’s her son’s life. Andiyan lang siya to support and guide him. At malaki ang maitutulong ng pagkakasundo nila sa career ni Manny.
James nagamit na naman
‘Di naman siguro kailangan ni Kris Aquino si James Yap para lamang mapag-usapan siya at mai-promote ang Sisterakas. Kaya naman siguro niyang ma-promote ang movie nila kung gugustuhin niya sa ibang pamamaraan pero hindi kasama ang kanyang ex. Talaga lang natapat ang away nila sa panahong may movie siya.
Mga bida sa Luv u, madalas magkapikunan
Totoo ba na katulad ng maraming teen shows ay nagkakaroon din ng away ang mga kabataan ng Luv U? Balitang napapadalas ang tampuhan ng mga kabataang miyembro ng cast na nagpapatalbugan daw sa isa’t isa?
Pero itinatanggi naman nila ito. Hindi lang daw maiwasan na minsan ay nagkakapikunan sila pero tumatahimik lang sila sandali, tapos okay na sila. Normal lang daw ‘yun lalo na at mas nagiging close sila sa isa’t isa.
Madalas daw mag-asaran sina Igi Boy Flores at Kiray Celis, pero hindi sila nauuwi sa awayan. Dapat lang dahil kung hindi lagot sila. ABS-CBN does not tolerate quarrels among their artists, lalo na ‘yung mga bagets.
- Latest