^

PSN Showbiz

Babae, sinapian sa set ng Hiwaga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aktwal na nakunan ng camera na sinapian ang isang dalaga habang ginagawa ni Atom Araullo ang episode ng kanyang programang Pinoy True Stories: Hiwaga.

Habang may spirit questors na tumutuklas sa espiritung bumabalot sa bahay ng kinakapanayam na si Chai, biglang pumasok diumano ang kaluluwa ng isang babaeng nagngangalang Michelle kaysa sa kaluluwa ng isang lalaking matagal nang nagpaparamdam sa kanyang tahanan sa Caloocan.

Si Chai ay lumaking bukas ang tinatawag na ‘third eye’ kaya hindi na iba sa kanya ang makakita ng mga ligaw na kaluluwa ng mga bata, duguang white lady, at maging nilalang sa itaas ng mga puno lalo pa noong nakatira siya sa sementeryo sa Nueva Ecija.

Nang magpasya siyang maghanap ng katahimikan sa siyudad ay hindi pa rin siya tinantanan ng kanyang kakaibigang kakayahan dahil binabagabag naman siya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang mismong bahay. Tuwing gabi raw ay maririnig ang malalim at nakakatakot nitong halakhak sa gitna ng nakakabasag na katahimikang dala ng gabi.

Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghang handog ng  Pinoy True Stories: Hiwa­ga, sa pangunguna ng anchor na si Atom Araul­lo, ngayong Biyernes ng hapon (Dec 14), 4:45 p.m. pag­katapos ng A Gentleman’s Dignity sa ABS-CBN.

 

A GENTLEMAN

AKTWAL

ATOM ARAUL

ATOM ARAULLO

BIYERNES

CALOOCAN

HABANG

NUEVA ECIJA

PINOY TRUE STORIES

SI CHAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with