Robredo nangunguna sa botohan ng Pipol of the Year
MANILA, Philippines - Sino kaya ang pinaka-importanteng Pinoy na gumawa ng malaking marka sa taong 2012? Maaari pang ihabol ang boto ng viewers at followers ng lingguhang show na Pipol ng ANC hanggang sa katapusan ng Disyembre para sa Pipol of the Year. Ang mga nominado ay sina President Benigno Aquino III, Senate President Juan Ponce Enrile, the late Department of Interior and Local Government secretary Jesse Robredo at misis na si Atty. Leni Robredo, actresses Nora Aunor at Monique Wilson, PAG-IBIG Fund president at CEO na si Atty. Lelen Berberabe, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, inventor and entrepreneur Diosdado Banatao, at ang kauna-unahang transgender chairman ng Student Council ng University of the Philippines na si Heart Diño.
Para makapili ng iboboto, bisitahin ang official Facebook page ng Pipol on ANC: www.facebook.com/PIPOLonANC. Ang pinakamaraming boto na nominado sa Dec. 31 ang magiging Pipol of the Year ng 2012. Sa kasalukuyan, si Robredo ang nangunguna sa poll, kasunod sina Aunor at Berberabe.
Ang Pipol na hino-host ni Ces Oreña-Drilon ay regular na tumitingin sa galing ng mga ordinaryong Pilipino na gumagawa ng malaking impluwensiya sa kanilang komunidad. Nagdiwang na ito ng kanilang unang anibersayo sa ANC nung Oktubre at mapapanood tuwing Lunes ng 9:30 p.m. sa ANC (SkyCable Channel 27).
- Latest