Scriptwriter nanipisan sa pelikulang pinupuri
MANILA, Philippines - Iba-iba ang reaction ng mga nakapanood na sa isang pelikulang kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival na magbubukas sa mga sinehan sa December 25.
Isang kaibigan kong scripwriter ang nagsabing naninipisan siya sa istorya ng movie. Nakulangan siya in other words sa kuwento ng pelikula. Pero pinuri-puri naman niya ang ibang mga aspeto ng pelikula. Like ang ganda raw ng cinematography at ang galing ng acting ng mga bida.
Hmmm, kung sabagay iba-iba naman ang opinion ng bawat isa sa atin. Kanya-kanya tayo ng taste.
Kaya mas maiging hintayin na lang natin ang pagpapalabas ng walong pelikulang kasali na hindi pa lahat tapos ang pitong mga kasali. Minamadali na nila dahil kailangan pa nila ‘yung ipa-review sa Cinema Evalution Board (CEB) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bago tuluyang ipalabas sa mga sinehan sa Pasko.
Palakasan?TV host namimili ng mga pulitikong igi-guest sa kanyang programa
Parang gamit na gamit naman ng mga pulitiko ang isang TV program. Aba sunud-sunod ang mga guest na pulitiko. Ang kaso mo, balitang ‘yung mga gusto lang ng host ang puwedeng mag-guest. ‘Yun daw ayaw ng host, hindi puwedeng makalusot.
Ganun daw ang labanan kaya suwerte ang mga pulitikong feel ng host ng programa dahil meron na agad sila free exposure.
Hmmp, kung talagang gusto ng programa na ipakilala ang mga kandidata dapat mag-imbita sila ng lahat ng klase ng pulitiko para maging patas naman. Palakasan ba ito? Hahaha. Just asking.
- Latest