^

PSN Showbiz

Baguhang galing sa talent search, nilalandi ang director na may anak at hiwalay sa asawa ng kanyang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ‘yan? Pigilan nga ang kakarengkengan ng isang female newbie na produkto ng talent search ng isang network. Dineklara nito sa mga kaibigan at kakilala na in love siya sa isang resident director ng network na kanyang kinabibilangan.

Menor de edad ang girlash, wala pa yatang disi-otso, samantalang ang kinababaliwang director ay thrice her age na yata, may mga anak altho’ hiwalay sa asawa. In fairness, hindi naman daw ang director ang lumalapit sa newcomer, kundi ang babae, pero ingat pa rin si direk at baka makasuhan siya.

Hindi kami magugulat kung matipuhan din ng director ang bagets dahil maganda at seksi, pero sobrang bata para sa kanya. Kung magkakarelasyon man ang dalawa, hindi nakakatiyak ang girlash na siya na ang pakakasalan ni direk. Madalas ma-in love si direk, pero mabilis ding ma-fall out of love.                               

Cesar hanggang next year na abala

Nakabalik na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz mula sa Las Vegas na nanood ng laban ni Manny Pacquiao. Nalungkot man sa pagkatalo ni Manny, masaya si Cesar na walang nangyari kay Pacman. Suportado pa rin niya ito at sa December 17, dadalo siya sa birthday party ng congressman sa General Santos City.

After this, lagare na sa trabaho si Cesar dahil bukod sa shooting ng Turning Cradle: The Untold Story of Mayor Alfredo Lim, magti-taping na rin siya sa TV5 teleserye na Never Say Goodbye. May post prod at promo rin siya ng El Presidente, kung saan, siya ang pumalit kay Robin Padilla sa role ni Andres Bonifacio sa nabanggit na pelikula na entry sa MMFF.

Magkasama pala sina Cesar at Nora Aunor sa El Presidente, pero hindi yata sila magkikita, kaya masasabing ang Never Say Goodbye  pa rin ang first project nila together.

Hanggang February, next year busy ang schedule ni Cesar, hanggang maipalabas ang Turning Cradle na base ang kuwento sa turning cradle ng Hospicio de San Jose, kung saan inilagak si Mayor Lim noong bata pa siya.

Heart tamad mag-workout

Cute ang role at karakter ni Heart Evangelista sa Sosy Problems bilang si Claudia, anak ng dating beauty queen, girly, dainty at mahinhin, pero hindi magpapatalo kahit sa best friend niyang si Margaux (Solenn Heussaff).

Isang model si Claudia, a wanna be beauty queen, a part time actress at DQ o Drama Queen at Diet Queen dahil forever nagda-diet dahil tamad mag-workout.

“Frenemies” ang karakter nina Heart at Solenn sa entry ng GMA Films sa MMFF at dahil parehong fashionista at sosyal, parang hindi na sila aarte. In an earlier interview, nabanggit ni Heart na enjoy siya sa paggawa ng pelikula dahil she’s working with her friends.

ANDRES BONIFACIO

CESAR MONTANO

CLAUDIA

DIET QUEEN

DRAMA QUEEN

EL PRESIDENTE

NEVER SAY GOODBYE

SIYA

TURNING CRADLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with