^

PSN Showbiz

Angel willing isangga ang katawan para depensahan si PHIL

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nanalo ang Philippine Azkals sa semi-finals ng 2012 ASEAN Football Federation Suzuki Cup na ginanap sa Thailand. Kinabibilangan ang nasabing grupo ni Phil Younghusband kaya naman proud na proud ang kasintahang si Angel Locsin. Ayon sa aktres, hindi pa sila nakakapag-celebrate ni Phil dahil abala rin siya para sa pelikulang One More Try.

“Pero nagkita na kami. Nakita ko ang sugat niya sa kilay. Hopefully, pagkatapos nito, makakapag-celebrate na kami. Sobrang proud talaga ako. Alam ko pinaghirapan nila ’yun at deserve nila ’yun. Sana suportahan natin ’yung next game nila,” nakangiting pahayag ni Angel.

Sobrang nag-alala ang aktres nang malamang nasaktan sa nasabing laro ang football superstar.

“Kung puwede nga lang ikaw ang humarang dun para hindi siya masaktan. Kaya lang kung siya (Phil) nga sanay siya, gano’n hitsura niya, paano na lang ako ’di ba? Siyempre nakakaawa pero wala lang sa kanya kahit na naglalakad siya ng may black eye. ’Yung iba siguro mako-conscious. Siya hindi, parang wala lang,” giit pa ng aktres.

Samantala, meron nang nabiling regalo si Angel para kay Phil ngayong Pasko.

“Siyempre hindi ko pa nabigay. Kapag sinabi ko naman sa inyo at binigyan ko kayo ng clue hindi pa nga niya alam, baka magtampo naman ’yun. Basta something na magagamit niya,” pagtatapos ni Angel.

Christian lilipat na sa Indonesia

Pinaghahandaan na raw ni Christian Bautista ang pagpasok ng 2013 dahil nakatakdang gumawa ng mas maraming proyekto ang singer sa Indonesia.

“Lots of projects are opening up. I’m promoting my album in Indonesia,” pagtatapat ng singer.

Kapag nagkataon ay posible na matagal-tagal ding mawawala sa Pilipinas ang binata. Hindi naman nag-aalala si Christian na mawala ang kanyang kasikatan dahil hindi lang niya minsan ito nagawa.

“I’ve done it twice. I shot a movie in Indonesia for three months then I came back, okay naman. I did The Kitchen Musical for three months as well. I came back, okay naman. I think it’s proper management,” paliwanag ni Christian.

Sa ngayon ay masayang-masaya ang binata dahil naging matagumpay ang musical nila ni Karylle na Rama Hari. Hinding-hindi raw makakalimutan ni Christian ang kanyang karanasan dito.

“One of the best shows I’ve ever done. One of the best productions I’ve ever been in. I felt so at home on stage. Ang ganda ng musika, ang ganda ng sayaw talaga. One of the highlights of my life,” giit pa ng singer. Reports from JAMES C. CANTOS

                          

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CHRISTIAN BAUTISTA

FOOTBALL FEDERATION SUZUKI CUP

KAPAG

KITCHEN MUSICAL

ONE MORE TRY

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with