Mula sa mga pinaghirapan magarbong bahay ng controversial sexy actress binawi ng bangko
Isang Kapuso singer-actress (SA) at asawa nitong singer ang nakabili ng bahay ng isang sexy actress sa isang subdivision sa Quezon City. Kuwento ni SA, na ayaw na lang magpabanggit ng pangalan, through bank nila nabili ang bahay ng sexy actress na ibig sabihin ay hindi nabayaran ng sexy actress ang monthly amortization kaya binawi sa kanya.
Noong kasikatan ng sexy actress, ilang beses na-pictorial ang nasabing bahay dahil maganda talaga at galing sa pinagpuyatan at pinaghirapan niya sa showbiz. Kaya lang may nangyari, naging pabaya siya sa kanyang career hanggang sa wala nang movie producer at network na kumuha sa kanya.
Magaling ang aktres at controversial, dalawa sa malaking factors to make it big. Hindi lang nito na-handle ng maayos ang kasikatan kaya naging flopsina ang career at pati bahay ay nawala sa kanya.
Tuwang-tuwa si SA at ang husband nito na nakabili ng bahay ng sexy actress dahil maganda pa ang bahay at nasa heart ng Quezon City, malapit sa lahat. Hindi na namin inalam kung magkano nabili ng mag-asawa ang dating bahay ni sexy actress.
Manilyn at Michael V. para talagang mag-asawa kahit off-cam
Kapag pinapanood ang Pepito Manaloto, hindi mo iisiping si Manilyn Reynes ang gumaganap na asawa ni Pepito (Michael V.) dahil Elsang-Elsa siya (her character) sa comedy show. Sabi ni Manilyn, hindi na niya kailangang umarte dahil kung ano ang ginagawa niya sa show ganun siya sa bahay nila ni Aljon Jimenez.
Pati pangaral kina Jake Vargas at Angel (gumaganap na mga anak nila ni Pepito), ganun din ang sinasabi niya sa tatlong anak. Ang kaibahan lang ng karakter niya, bilang si Manilyn, hindi siya nangingialam sa gamit ng mga anak. Sa show nga naman kasi pati gadgets ng mga anak, ay pinakikialamanan niya.
Agree si Manilyn na isa sa factor kung bakit hit ang Pepito Manaloto ay ang chemistry nila ni Michael V. Para talaga silang mag-asawa sa show at kahit off-cam naobserbahan namin na maganda ang working relationship ng dalawa. Para talaga silang mag-asawa.
Sosy Problems may problema
Ang Sosy Problems na lang ng GMA Films sa filmfest entries ang hindi pa nagpaparamdam. Sa TV ad na lumalabas sa GMA 7 at ilang writeups lang nalalaman ng mga tao na kasali ang pelikula ni Direk Andoy Ranay.
Sayang dahil pare-parehong may issue ang mga bidang sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, at Bianca King, maraming maitatanong sa kanila.
Mixed reactions ang nakakapanood ng TV ad ng Sosy Problems, may natutuwa at may naiinis sa mga karakter na ginagampanan ng apat. Malalaman kung puro nga kaartehan lang ng mayayaman ang pelikula.
May itatanong din kami kay Direk, may itatanong kami sa kanya at sana sagutin. But we have to wait pa sa presscon.
- Latest