^

PSN Showbiz

Walang naramdamang kabastusan: Angelica bumilib sa disenteng lovemaking ni Dingdong

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napahanga si Angelica Panganiban sa pagiging gentleman ni Dingdong Dantes lalo na sa maseselan na eksena na kanilang ginawa. Mag-asawa ang role ng dalawa sa pelikulang One More Try na isa sa mga entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Napaka-protective niya, na ayaw niyang masilipan or ayaw niyang maramdaman ng kaeksena niya na, ‘Uy, baka feeling nito nababastos ko na siya or baka sumusobra na ako. Lumalampas na ako sa boundaries ko.’ Wala akong maramdamang gano’n sa kanya. In fairness sa kanya, siya ang pinakamagaling mag-handle ng leading lady sa mga nakaeksena ko,” seryosong pahayag ni Angelica.

Ayon sa aktres, mas maraming love scenes daw ang nagawa ni Angel Locsin sa kanilang pelikula pero kakaibang atake naman ang ginawa ni Angelica sa love scenes nila ni Dingdong.

“Mas marami talagang love scenes si Angel dahil siya ang mas maraming kailangang ma-achieve pero bongga naman ang kinalabasan ng lahat. Disente naman, matino naman. Actually, ’yung sa amin ni Dingdong,         instead of dating style ng love scene, dito talagang pinag-isipan namin nina Direk Ruel Bayani kung paano ba ’yung modern couple. Paano ba  ‘yung sa umaga? So very bagets, cute, aliw, saya,” paglalarawan ng dalaga.

Malakas din ang bulung-bulungan na posibleng makalaban ni Angelica si Nora Aunor sa best actress award sa nalalapit na ring awards night ng MMFF.

“Sa totoo lang maitabi lang kami sa pangalan ni Ate Guy, makasama ka lang sa listahan ng mga nominado kasama siya malaking bagay na ’yun. Hindi rin naman namin minamaliit ‘yung performance namin sa pelikulang ito and sobra kaming positive,” giit pa niya.

Kathryn nahihilig sa baril na gamit ni Daniel

May bago raw kinahihiligang gawin si Daniel Padilla nga­yon at kung minsan ay nakakasama pa si Kathryn Bernardo dito.

“Mahilig siyang mag-airsoft, ’yun ’yung bago ko sa kanyang nalaman. Addiction niya ngayon ’yung airsoft talaga. Ako, natuto na ako humawak ng airsoft gun pero medyo sablay pa rin,” natatawang pagbubuking ni Kathryn.

Kahit napababalitang opisyal nang magkarelasyon sina Daniel at Kathryn ay iginiit naman ng dalaga na talagang magkaibigan pa lamang sila ng aktor.

“Siguro tight ’yung friendship namin and mas nakikilala ko na siya ngayon. Tingnan natin. Hindi pa talaga. Para sa akin kapag kayo, kayo. Let’s just wait and see,” naka­ngiting sabi ni Kathryn.

Pagkatapos ng pelikulang 24/7 in Love ay mu­ling magtatambal ang dalawa sa Sisterakas na mapapanood din sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan. Reports from JAMES C. CANTOS

                    

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ATE GUY

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

DIREK RUEL BAYANI

KATHRYN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with