^

PSN Showbiz

Kapatid Network, bilyun-bilyon na ang nawala sa kaban sa sobrang mahal ng talent fee nina Sharon, Derek, Nora, at iba pa; Show ni Willie Revillame bina-bargain

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Grabe naman. Umabot na raw sa P2.8 bilyon ang lugi ng TV5 sa kalahating taon. Ito ang usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz matapos lumabas sa isang business section ang nasabing halaga na umano’y nawala sa kaban ng TV5.

Mas malaking hindi hamak daw ito sa naluging P4.1 bilyon ng TV5 (ayon sa balita) noong 2011.

Parang alarming ang balita ha. Malaking datung ang halos P3 bilyon.

Isa sa mga analysis ng showbiz insiders, major factor sigurado sa malaking lugi sa kanila ay ang malalaking talent fee ng mga pinirata nilang mga artista ng ABS-CBN at GMA 7.

Eh hindi nga naman gaanong kumikita ang mga programa dahil limitado ang mga patalastas. Paano nga naman sila makakabawi. 

Maugong na maugong na bilyones ang ibinayad kay Megastar Sharon Cuneta nang kunin nila ito. Malalaki rin daw ang TF nina Aga Muhlach, at lalo na si Ms. Nora Aunor na silang nagpa-uwi ng bansa. Kaso mo iisa naman ang programa ngayon ni Ate Guy sa kanila, ang Enchanted Garden na ang dami pang bida.  Maging ang talent fee daw ni Derek Ramsay ay limpak-limpak. At higit sa lahat, malaki ang kinikita ni Willie Revillame sa kanila pero hindi naman daw gaanong kumikita ang programa nito na nakakasira pa sa schedule ng mga programa nila sa gabi ayon sa isang source na taga-Singko rin.

Maging sina Vic Sotto at Joey de Leon, ang lalaki rin daw ng talent fee. Meron pa silang Ruffa Gutierrez, Ryan Agoncillo at marami pang iba.

At ang mga programa nga naman nila ay magastos. ‘Yung Extreme Make Over Home Edition Philippines na si Paolo Bediones ang host, mukhang malaki ang nagastos dahil makikitang sinisira nila ‘yung mga bahay ng mga sumali at saka nila pinatatayuan ng mga bago. Hindi ‘yun gaanong naramdaman. Sayang.

Kaya ayon sa report ha na pinagpipiyestahan nga ngayon, umabot sa 2.37 bilyon ang ginastos ng TV5 sa pagpo-produce ng mga programa from January to June.

Hindi ko na maalala pero may ibinigay na figure ang nagkuwento kung magkano lang ang kinita ng TV5 sa nasabing panahon.

Oh oh. Sayang ang datung.

Anyway, paano kaya mababawi ang halos P10B na lugi ng Kapatid Network?

May balita namang nagtitipid na ang mga production. Pero siyempre ang mahirap nang ma-recover ang maraming bilyones na ‘yun.

At hindi nga raw nakatulong si Revillame na panay ang pagmamalaki na kaya niyang dalhin ang programa at marami siyang puwedeng ipasok na patalastas noong nag-uumpisa pa lang siya.

Ang siste hindi naman niya nagawa. Balitang nagbaba pa nga raw ngayon ang programa niya ng bayad per minute sa airtime ng commercial?

Oh my.

GMA 7 naimbiyerna pala sa Rolex na ibinigay kay Joey de Leon

Obviously mali ang dama ng TV host na bilyonaryo na ngayon na makakasabay ang programa niya sa primetime block o sa mga news programs ng ABS-CBN at GMA 7. Walang himala sabi nga ni Ate Guy. Hindi naman niya napataob.

 Eh ano ‘yung balitang ililipat pa siya sa noontime slot? Lately ‘yun ang lumulutang. Ha. Babanggain niya pa ang Eat Bulaga na isa nang matibay na pader at sa Showtime na lumalakas na?

Hala, baka ngumanga na naman sila.

Anyway, sana na-realize ng TV host na nabawasan ang sinasabi niyang magic.

‘Kinain na rin ba ng TV host ang kanyang mga sinabi na hindi niya kakalabanin ang dating naka-imbyernahang si Joey de Leon? Na binigyan niya pa ng Rolex nang mag-birthday sa Startalk na alam n’yo bang ikinainis pala ng mga bossing sa GMA 7 dahil nakapasok sa teritoryo ng GMA ang komed­yante at nagamit pa niya sa publicity.

Will abangan natin kung tatalab ang sinasabing Willie magic sa noontime slot?                           

 

 

 

 

AGA MUHLACH

ATE GUY

DEREK RAMSAY

EAT BULAGA

NAMAN

NIYA

PROGRAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with