^

PSN Showbiz

ABS-CBN shows at stars humakot ng Anak TV Seals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprubado ng mas maraming mga magulang, guro, nongovernment organizations o NGOs, at iba pang sektor ng lipunan ang panonood ng Kapamilya programs at pag-idolo sa Kapamilya stars ng kanilang mga anak matapos humakot ng 25 parangal ang ABS-CBN sa ginanap kamakailan na 11th Anak TV Seal Awards.

Iginawad ang Anak TV Seal sa mga programang wholesome at ligtas panoorin ng mga bata. Namayagpag sa listahan ng pinarangalan ang Kapamil­ya regional programs na kinabibilangan ng Arangkada, Bida Kapampangan, Derecho, Gandang Umaga Kapamilya, Halad sa Kapamilya-Cebu, Maa­yong Buntag Mindanao, Magandang Umaga South Central Mindanao, Mag TV na Amiga-Bacolod, Mag TV na Atin ’To-Baguio, Mag TV na Ato Ni-CDO, Mag TV na Oragon-Bicol, Mag TV na Sadya Ta- Davao. Marhay na Aga Kapamilya, Naimbag Nga Morning Kapamilya, Sikat Ka Iloilo, at The Morning Show-Bacolod.

Nakakuha rin ng prestihiyosong Anak TV seal ang ABS-CBN shows na Ako ang Simula, Go Diego Go, I Got It, Junior MasterChef, Matanglawin, Rated K, Salamat Dok, The Penguins of Madagascar, at Why Not?

Namayagpag din ang mga entertainment at news personalities Dos sa listahan ng male at female Makabata Stars base sa resulta ng Boto Ko ’To survey kung saan tinanong ang maraming adult voters kung sinu-sino sa local TV personalities ang iginagalang at pinagkakapitagan ng kanilang kabahayan.

Nanguna sa listahan ng male Makabata stars si Coco Martin na sinundan nina Boy Abunda, Ge­rald Anderson, Kim Atienza, Noli de Castro, Ted Failon, Zaijian Jaranilla, Vhong Navarro, Anthony Taberna, at Richard Yap.

Kinilala naman na kapani-paniwala, wholesome, at magandang ehemplo sa mga kabataan ang female Makabata stars na kinabibilangan nina Kim Chiu, Anne Curtis, Karen Davila, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Bernadette Sembrano, at Jodi Sta. Maria.

Samantala, pito sa sampung Most Well-Liked TV Programs sa bansa para sa taong 2012 ay mula sa ABS-CBN. Pinangunahan ito ng primetime newscast na TV Patrol, na kamakailan ay ginawaran din ng Philippine Movie Press Club ng parangal bilang best newscast sa kanilang taunang Star Awards for Television, na sinundan ng phenomenal drama series Walang Hanggan. Kabilang din sa Top 10 ang Matanglawin, It’s Showtime, Be Careful with My Heart, Maalaala Mo Kaya, at Princess and I.

Ang  Anak TV Seal awarding ceremony ay ginanap sa Lord’s Flock Sanctuary sa West Avenue, Quezon City sa pangunguna ni Anak TV spokesperson Mikee Cojuangco Jaworski bilang host.

AGA KAPAMILYA

ANAK

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ANTHONY TABERNA

ATO NI

BE CAREFUL

BERNADETTE SEMBRANO

BIDA KAPAMPANGAN

BOTO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with