Mga bago at pinaka-minahal na Anime, nasa Hero TV
MANILA, Philippines - Sa ilalim ng temang Pot of Gold, siguradong mag-eenjoy ang mga anime fanatics sa de-kalibreng anime na hatid ng numero unong anime channel sa bansa, ang Hero TV.
Para sa mga bagong anime ngayong buwan, abangan ang Michiko and Hatchin na tungkol sa dalawang magkaibigan na may mabigat na pinagdaraanan na nagsimula na noong December 4, 11:00 p.m. na may mga replay ng 5:00 a.m., 11:00 a.m. at 5:00 p.m. at Kyoran Kazoku Nikki na tungkol sa mga cute na makapangyarihang bata na pagsasamasamahin sa isang bahay upang matuto ng family values magsisimula ngayong December 25, 7:00 p.m. na may mga replay ng 1:00 a.m., 7:00 a.m. at 1:00 p.m.
Para naman sa mga pelikulang anime ng Hero Theatrixx, abangan ang Hack// G.U. Trilogy na nagkukuwento ng buhay ni Haseo at ng pagliligtas niya sa na-comatose na kaibigan sa pamamagitan ng paglalaro ng online game, ipapalabas ng December 30, ang award-winning anime film na Jin-Roh: The Wolf Brigade na nagsasalaysay ng kuwento ng isang lalaking nakakita sa suicide bombing ng isang batang teroristang babae, ipapalabas ng December 9 at isa pang award-winning anime na nakatanggap ng iba’t ibang international awards, ang Sword of Stranger na ipapalabas ng December 16. Ang tatlong pelikula ay ieere sa mga oras na 12:00 a.m., 12:00 p.m. at 9:00 p.m.
Ibabalik din ng Hero TV ang ilang titulo ngayong Disyembre, ang Crystal Warrior, Gargoyle of Yoshinaga Family, Hakuoki, Super Inggo, at Ultra Violet Code 044. Para sa weekend marathon, panoorin ang limang episodes ng pangatlong season ng Reborn, Claymore at Hanasaku Iroha linggo-linggo.
Lahat ng ito at marami pang iba sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong anime channel sa bansa.
- Latest